Misis ni Anthony Taberna, nagsalita tungkol sa bagong pagsubok na kinakaharap

Imahe mula sa Facebook | Rossel Taberna
  • Nagbahagi ng kaniyang saloobin ang asawa ni Anthony Taberna na si Rossel sa panibagong pagsubok na kanilang pinagdaraanan
  • Ibinulsa kasi ng pinagkakatiwalaang tao nila ang malaking halaga mula sa kanilang business na Ka Tunying’s Café
  • Bago ito ay nakaranas din ng matinding hamon ang mag-asawa matapos na ma-diagnose na may malalang karamdaman ang kanilang anak na si Zoey

Sa kabila ng dagok na pinagdaraanan matapos na magbulsa ng milyon-milyong halaga ang pinagkakatiwalaang tao sa negosyong Ka Tunying’s Cafe ay nananatiling malakas ang pananampalataya ng mag-asawang Rossel at Anthony Taberna.

Imahe mula sa Facebook | Rossel Taberna

Sa isang Instagram post ay naging emosyonal si Rossel matapos magbalik-tanaw sa mga pinagdaanan bago maging isang ganap na restaurant ang kanilang negosyo.

“Mula sa panaderya sa maliit na probinsiya hanggang sa mapadpad kami sa Maynila, sa pagsali sa bazaars, at unti-unting makapundar ng cafe turned full-service restaurant today. Mahirap man pero hindi kami papayag na mawalan ng trabaho ang isang daang kapamilya naming umaasa sa amin,” aniya.

Ang pagsubok na ito raw ay nagsisilbing inspirasyon upang mas magpursigi pa sila.

Imahe mula sa Facebook | Rossel Taberna

Kahapon lamang ay isiniwalat ni Ka Tunying sa isang Instagram post na kahit pa alam ng pinagkakatiwalaang Finance Head ng café ang pinagdaraanan nila matapos ma-diagnose na may  malubhang karamdaman ang kanilang anak na si Zoey ay patuloy pa rin nitong ibinulsa ang malaking halagang pinaghirapan ng kanilang mga kasama sa Ka-Tunying’s.

“Sobrang sakit na lahat ng pinaghihirapan ng bawat miyembro ng Ka Tunying’s family ay nilulustay lamang ng isang taong nasilaw sa pera at mga materyal na bagay,” sabi ni Rossel.

Sa kabila nito ay nagpasalamat siya sa lahat ng patuloy na tumatangkilik sa kanila.

“Maraming salamat sa mga taong patuloy na tumatangkilik sa amin. Kayo po at ang aming mga kapamilya ang aming inspirasyon para itaguyod ang aming nasimulan at mas lalong pagbutihin pa.”

Source :

Instagram

Loading…