Misteryosong metal monolith na natagpuan sa Utah, naglaho

Imahe mula sa Utah Department of Public Safety
  • Misteryosong metal monolith na natagpuan sa disyerto sa Utah, naglaho na
  • Noong Nobyembre 18 nadiskubre ang misteryosong metal at naglaho ito noong November 29
  • Sinabi ng mga saksi na apat na lalaki ang kumuha sa metal monolith

Hindi sinasadyang natagpuan ng mga opisyal ng Utah Department of Public Safety ang misteryosong metal monolith na nakabaon sa isang ilang na lugar sa Red Rock country sa Utah noong November 18.

Imahe mula sa Utah Department of Public Safety

Nagbunsod ng mga haka-hakang likha ng mga extraterrestrial beings ang monolith dahil inihalintulad ito sa alien black monolith sa pelikulang 2001: Space Odyssey noong 1968.

Yari sa stainless steel, triangular ang hugis at may taas na labindalawang talampakan ang nakabaon sa lupang metal monolith. Walang nakitang anumang indikasyon kung sino ang naglagay nito doon at kung ano ang dahilan.

Makalipas ang halos dalawang linggo ay naglaho na sa lugar ang misteryosong bagay noong ika-29 ng Nobyembre.

Ayon sa mga nakasaksi, apat na tao umano ang kumuha sa metal monolith. Malinaw umano ang utos ng isa sa grupo – huwag mag-iwan ng bakas.

Matatandaang hindi hinihikayat ng Utah Department of Public Safety ang mga taon na magtungo sa lokasyon ng monolith sa posibilidad na ma-stranded ang mga ito sa lugar at kailanganin pa na i-rescue.

Sa kabila niyon, marami ang nakapunta sa lugar, kabilang ang isang photographer na nagngangalang Ross Bernards at YouTuber ba si Talon Sei, upang personal na makita ang monolith matapos kumalat sa internet ang coordinates ng lokasyon ng monolith.

Screenshot mula sa Talon Sei YouTube channel

At batay sa salaysay ni Bernards, apat na lalaki ang kumuha sa monolith dakong 8:40 ng gabi.

“They gave a couple of pushes on the monolith and one of them said, ‘You better have got your pictures. He then gave it a big push, and it went over,” post ni Bernards sa Instagram.

Hindi nakilala kung sino ang mga lalaking kumuha ng metal monolith.

Imahemula sa Instagram account ni Ross Bernards

 

Loading…