Nikko Natividad itinangging may Tinder account: “GRINDER po ang gamit ko”

Image by Nikko Natividad via Instagram | Image by Nikko Natividad via Twitter
  • #Hashtags Nikko Natividad itinangging mayroon siyang account sa Tinder
  • Tinder account na gumamit sa pangalan at pictures niya, “verified” pa
  • Pagbibiro ni Nikko, “Wala po akong TINDER!! GRINDER po ang gamit ko”

Maging maingat sa paggamit ng social media lalo pa’t marami ang nabibiktima ng identity theft. Ito ‘yung mga gumagamit sa pagkakakilanlan ng ibang tao para makapanloko ng kapwa. Nangyari ito kay Nikko Natividad kamakailan, at ang Tinder account na hindi naman niya pagmamay-ari pero nakapangalan sa kanya ay namarkahan pang “verified.”

Image by Nikko Natividad via Instagram

Maliban sa nakamarkang “verified” ang profile na may nakalagay sa bio section nito na “I’m here to have fun and teach u things you don’t know yet lol” ay ginamit pa ang mga larawan ng celebrity. Anupa’t hindi halatadong peke ito.

Pahayag ng miyembro ng all-male dance group na #Hashtags sa Twitter, “KUNG SINU KA MAN HAYUP KA!! AT NAKA VERIFIED KA PA!!” Kasama sa post ang screenshot mula sa Tinder profile.

Ang Tinder ay isang geosocial networking at online dating application. Dito, may kakayahan ang mga miyembro na mag-swipe para i-like o dislike ang profile ng isang miyembro base sa nakikitang larawan, small bio at common interest. Kapag nag-“matched” sila ay pupuwede silang magkausap.

Pagpapatuloy ni Hashtags Nikko, “Wala po akong tinder!! Muntik nakong palayasin ni @cielo_0227 sa bahay!! Sisira ka ng pamilya hinayupak ka!! Inuulit ko wala po akong TINDER!! GRINDER po ang gamit ko.” Sinamahan pa niya ito ng dalawang tumatawang emoji.

Image by Nikko Natividad via Twitter

Umani ng atensyon sa social media ang post ng dancer na nakakuha na ng higit 750 likes sa Twitter. Komento ng isa, “Nakita ko ‘yan before. Hahaha napaghahalataan na ako.”

Sabi naman ng iba, “Grindr lol. Pero report it Nikko baka magamit pa ‘yan sa scam or crime.”

Si Nikko ay nakilala nang magwagi sa Gandang Lalake segment ng It’s Showtime at kalaunan ay napasali sa dance group na #Hashtags. Napasama rin siya sa 2016 edition ng Pinoy Big Brother.

Image by Nikko Natividad via Instagram

Loading…