Nakakainis na prank ng Cebu cops sa mga sibilyan, ipinatitigil ni PNP chief Sinas

Imahe mula sa CCPO
  • Prank na ginagawa ng Cebu cops sa mga sibilyan nabatikos
  • Ipinatitigil ni PNP chief Sinas ang prank na nagdudulot lang ng pagkabalisa sa target ng biro
  • Hindi nakatutuwa ang prank ng Cebu cops, ayon kay Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite

Ipinatitigil ni Philippine National Police (PNP) chief Major General Debold Sinas ang prank na ginagawa ng mga Cebu cops sa mga sibilyan dahil nagdudulot lang iyon ng hindi kinakailangang pagkabalisa lalo na ngayong may pandemya.

Imahe mula sa PNA

Tinatawag na “arestoguinaldo” ang prank ng Cebu cops na kunwari ay huhulihin ang “target” sa bisa ng isang “warrant” dahil may nagawa umanong labag sa batas. Dadalhin ang biktima sa patrol car at doon ay ibubunyag na biro lang ang lahat at saka bibigyan ng aginaldo.

Nilinaw ng PNP chief na wala siyang inilabas na direktiba na gawin ang ganoon.

“Wala naman ‘yun sa regular directive namin. Baka initiative lang po ng mga lower units natin. Titingnan ko po kung ano ang nangyari, maybe kung it’s good, then we could support it but if it already caused anxiety sa publiko at sa mga kababayan natin, I will direct them to stop such practices po,” ani Maj. Gen. Sinas nang tanungin ang kanyang reaksyon tungkol sa prank ng mga Cebu cops.

Inamin niya na hindi niya alam ang “gimik”na iyon ng mga pulis sa Cebu.

“Alamin ko pa po kung ano ang sitwasyon na ‘yan baka kung ano ‘yung gimmick ng pulis natin doon. I have no actual knowledge po doon. Maybe, I’ll talk to those in charge po doon, at alamin kung how it was carried out, kung ano ‘yung intention, ano ‘yung program. Baka sa kanila lang po ‘yun and they want just to impress people,” aniya.

Maging ang mambabatas na si Bayan Muna Repesentative Ferdinand Gaite ay hindi natuwa sa naturang biro.

Screenshot mula sa vido ng Itug-an ni CD via Facebook

“That is not funny. Instead of holiday cheers, this ill-conceived gimmick brings chills and causes unwarranted stress and shame to its victims, people who might already be under a lot of stress due to the pandemic and the bad economy,” aniya.

Sabi pa niya, hindi April Fool’s Day ang paparating kundi Christmas Day.

Imahe mula sa CCPO

Loading…