Namayat na Santa Claus kinaaliwan

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang larawan ni Santa Claus
  • Kaiba sa nakasanayang deskripsyon, ang naturang Santa Claus ay payat na payat
  • Gumana naman ang malawak na imahinasyon ng mga Pilipino at iniugnay ito sa COVID-19

Isa sa mga mahahalagang simbolo ng pagsapit at pagdiriwang ng Pasko ay si Santa Claus. Halos lahat yata ng mga bata ay dumaan sa paniniwalang may tunay na Santa Claus na inilalarawan bilang isang matabang lalaking nakasuot ng kulay-pula, may mahaba at puting balbas, at namimigay ng mga regalo, sa gabi ng kapanganakan ni Hesukristo.

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizens ang larawang ibinahagi sa Facebook page na “Spex Appeal Repair Services” kung saan makikita ang isang Santa Claus, na tila namayat nang sobra-sobra, bagay na hindi tipikal sa tunay nitong deskripsyon. Makikita ang orihinal na larawan nito sa Instagram account na @a.dilminha. Naghatid tuloy ito ng good vibes sa mga netizens. Tanong tuloy sa caption: “Anyare kay Santa?”

Imahe mula sa Facebook page Spex Appeal Repair Services / Instagram account na @a.dilminha

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. Kaniya-kaniya silang bigay ng “espekulasyon” kung ano na nga ba ang nangyari kay Santa Claus sa panahong magdiriwang ng Kapaskuhan ang mga Kristiyano sa buong mundo sa kabila ng pandemya.

“Iyan tuloy nangyari kay Santa na-COVID-19 tuloy, parati kasing nasa labas, namimigay pa rin ng regalo kahit my COVID-19, hindi pa naka-mask at face shield. Ingat ka sa COVID Santa, bawal pa lumabas ang mga senior citizens,” pabirong sabi ng isa.

“Nagsara yung pinapasukang kompanya dahil sa pandemya kaya nagutom. Tayo naman tumulong kay Santa,” pabirong wika naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Baka nagka-COVID-19 din si Santa, kawawa naman, sobrang pagpayat, lumuwa ang mga mata. Hehe. Baka hindi nabigyan ng ayuda?”

“Iyan ang resulta kapag ibinigay ang lahat, tapos hindi naman pinahalagahan. Boom!” hugot naman ng isa.

Saad naman ng isa, “”Ganyan ka-stressful ang 2020. Yung namimigay ng aginaldo parang kailangang magpa-albularyo.”

Public Domain Image

Kung totoo nga si Santa Claus at namumuhay sa kasalukuyang panahon,  kailangan din niyang magsuot ng face mask at face shield, at kailangang magdala ng alcohol o disinfectant, hindi ba?

Source :

Facebook

Loading…