Netflix gumagawa ng live action adaptation ng “Ghost Fighter” anime series, mga masugid na tagahanga kabado

Imahe mula sa Geek Culture
  • Inanunsyo ng Netflix na ginagawan nito ng live action adaptation ang popular na anime series na Yu Yu Hakusho
  • Ang Yu Yu Hakusho ay naging napakapopular sa Pilipinas sa Tagalog adaptation nito na “Ghost Fighter”
  • Ang anime series ay kuwento tungkol sa teenage high school student na si Yusuke Urameshi na sa Tagalog version ay kilala bilang si “Eugene”

Inanunsyo ng Netflix nitong Miyerkules, December 16, na gumagawa ito ng isang live action series o mga taong artista na ang gaganap sa mga karakter na ibinatay sa popular na manga (Japanese comics) na “Yu Yu Hakusho” na lalong sumikat nang gawing anime series.

Imahe mula sa Netflix

Ang Yu Yu Hakusho ay mas popular sa Pilipinas bilang “Ghost Fighter”; ang Tagalog adaptation ng anime na unang napanood sa IBC 13 noong kalagitnaan ng 1990s bago inilipat sa GMA Network noong 1999.

“A legendary manga that transfixed young men and women in the 90s, Yu Yu Hakusho will now be produced as a live action Netflix Original Series oa an unprecendented scale,” bahagi ng Netflix statement.

Ang istorya ng Yu Yu Hashuko ay umiikot sa karakter ng isang teenage high school student na si Yusuke Urameshi. Sa tagalog version ng anime series, ginawang “Eugene” ang pangalan ni Yusuke.

“When Yusuke dies saving another’s life, he’ll embark on a journey across the world of humans, spirits, and demons to return to the land of the living,”  ayon sa Twitter post ng Netflix.

Sinabi pa ng Netflix na mapapanood sa lahat ng bansa ang live action adaptation nito, ngunit wala pang ibang detalyeng sinabi kung kailan ito magsisimula.

May agam-agam naman ang mga fans ng Yu Yu Hakusho na baka hindi mabigyan ng hustisya ang magandang manga at anime kapag live action na ito, tulad ng ibang live action adaptations na inilabas din ng Netflix.

Imahe mula sa Pierrot

“Someone please tell Netflix to desist from the idea of making a live version show of Yu Yu Hakusho.”

“Wait Netflix is doing a live action of yu yu Hakusho. I feellike it’s gonna be like “Death Note” live action all over again.”

“No no no not my favorite anime of all time. Netflix do not ruin Yu Yu Hakusho. Better yet just don’t make it.”

Loading…