Netizen humingi ng payo hinggil sa problema sa “pagbukod”

  • Humingi ng payo ang isang may karelasyong netizen 
  • Pinoproblema niya kasi kung papayag siya sa kaniyang live-in partner na makipisan muna sa bahay ng mga magulang nito, bilang siya ang panganay na anak na lalaki
  • Ang gusto niya, bumukod na sila para sa peace of mind 

Sabi nga, kapag mag-aasawa ka na, kailangan mo nang bumukod ng tirahan malayo sa iyong mga magulang. Kaya naman kailangan na  paghandaan ito. Bagama’t may ilang mga nag-aasawa na pinipili pa ring makipisan sa poder ng kanilang mga magulang, mas mainam pa rin kung makapagsisimula ang mag-asawa ng kanilang pamilya sa matatawag na nilang sariling tahanan.

Kaugnay dito dumulog ang isang netizen na hindi nagpakilala at gumamit lamang ng dummy account sa Facebook page na “CFO Peso Sense” at humingi ng payo hinggil sa posibleng solusyon sa problema nila ng kaniyang partner kaugnay sa pagbukod. Gumamit siya ng hashtag na #PayongKapeso.

Public Domain Image

“May gusto lang po sana akong i-share at ihingi na rin ng advice… dummy account ko lang ito kasi baka mabasa ng asawa ko… ganito po kasi iyon. Girl po ako, yes may partner pero ‘di pa kasal at wala pa kaming anak. Pinaplano na po namin yung future namin like baby at bahay,” panimula niya.

“Lagi po kaming nagtatalo sa bahay kasi ang gusto ko bumili kami ng sarili naming lupa at bahay pero ayaw naman niya kasi magastos na raw. Aabutin pa raw kami ng 10 years bago mabuo tapos magkakaroon pa ng baby. Sa kanilang bahay na lang daw kami titira tutal sila na lang daw magkakapatid doon sa bahay nila kasi hiwalay yung parents niya, may kaniya-kaniyang live-in partners at sila na lang magkakapatid ang naiwan sa bahay.”

“At yung dalawang babaeng kapatid niya eventually mag-aasawa at aalis na rin sa kanila kasi sabi lalake ang magdadala sa babae. Siya po kasi ‘yung eldest sa kanila. Pero ‘yung bunso nila is lalake. Concern ko lang eh paano naman pagdating ng araw na mag-aasawa yung bunso nila? So, magshe-share kami sa iisang bubong?”

At iyan ang pinoproblema ng naturang netizen. Paano nga naman kung mag-asawa na rin ito at igiit ang karapatan sa naturang bahay?

Public Domain Image

“Yes, malaki talaga matitipid namin pag sa bahay nila ako titira in the future pero parang wala akong peace of mind, ‘di ko maintindihan eh? Gusto ko rin naman makatipid pero ewan ko ba? Susundin ko na lang ba yung plano niya or ipupush ko talaga yung gusto ko? Advice please,” panghuling pahayag niya.

Narito naman ang mga payo ng mga concerned netizens:

“Habang nakatira kayo sa bahay nila mag-ipon ka para sa gusto mo na sariling bahay. Kung maging okay kayo riyan sa kanila at least may puwede ka paupahan kung sakali hindi ninyo tirhan ang naipundar mo na bahay. Better ang nakabukod pero dapat pareho ninyong gusto at lagi tayo nakasuporta sa mister natin,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Maganda ang nakabukod at sarili ninyo talaga ang bahay. Ang bahay nila, hati-hati ang magkakapatid diyan. Hindi puwedeng sa isa lang mapunta. Huwag na hintaying magka-conflict para bumukod. Start now habang wala pang baby.”

“Sa umpisa pa lang dapat nakabukod na ang mag-asawa. Kung ngayon pa lang magkaiba na ang nais ninyo sa buhay eh mag-isip-isip ka. Mahirap kasama ang taong iba ang pananaw sa buhay. Ewan ko sa’yo pero ako never kong gugustuhing makapangasawa ng taong iba ang pananaw sa pananaw ko. I rather stay alone my whole life,” pahayag naman ng isa.

Public Domain Image

Wika naman ng isa, “Hindi po mapapantayan ang peace of mind kapag nakabukod at may privacy. Mas maggo-grow din at mas magiging intimate ang relasyon ninyong mag-asawa.”

Ikaw, ano ang maipapayo mo para sa ating netizen na may problema sa pagbubukod?

Source :

Facebook

Loading…