Netizen humingi ng payo kung puputulin na ang friendship sa kaibigang hindi nagbabayad ng utang

  • Dumulog ang isang netizen kagnay sa problema niya hinggil sa kaniyang malapit na kaibigan: puputulin na ba niya ang ugnayan dito?
  • Nakasosyo niya kasi ito sa negosyo subalit sinasabi nito na nalugi raw at hindi maasikaso dahil nagkaroon ito ng trabaho
  • Kinukuha na ng netizen ang perang kapital na pinautang niya, subalit hindi pa maibigay ng kaibigan sa petsang ipinangako niya

Sabi nga, mahirap makahanap ng tunay na kaibigan. Kapag nakahanap naman at nalamatan na ang relasyon, kung naibabalik man ay hindi na kagaya ng dati. Sa madalas na pagkakataon, kapag usaping pera ang pag-uusapan, maraming mga magkakaibigan ang nagkakagalit at humahantong pa sa FO o “friendship over.”

Kaya naman, isang di-nagpakilalang netizen ang dumulog sa Facebook page na “CFO Peso Sense” kung saan inilahad niya ang kaniyang karanasan sa kaniyang kaibigang nangutang at nag-alok sa kaniya na magsosyo sila sa isang online business. Upang makatulong sa kaibigan sa panahon ng pandemya, pumayag siya.

Public Domain Image

“Mayroon akong close friend na nasa province and nag-request sa akin na mag-online business kami. Since pandemic at para makatulong din sa kanya, I said yes, akin ang capital at siya ang magbenta at hati kami sa profit. Then after few weeks sabi niya medyo matumal, mayroon siyang nakita na nagpapakatay ng baboy, sabi ni ya malakas, kaya I said yes and gave her a capital,” paunang kuwento ng netizen.

“At first okay naman ang benta so for me I’m expecting her to manage it coz I trusted her na mapalago niya yung business, parang tulong ko na rin sa kanya na mairaos niya family niya sa hirap. Month after, she told me na hindi raw mabili yung business namin, so she switched to sari-sari store. So I said okay, I trust you na maipaikot-ikot mo yung capital para lumaki ang business.”

Matapos ang ilang buwan, nakita raw niya sa Facebook account nito na lumuwas na pala ito sa Maynila, at hindi man lamang sinabi sa kaniya. Hindi rin nagbibigay ng update hinggil sa negosyong nasimulan na nila. Nang usisain niya ito, sinabi nitong ibabalik na lamang sa kaniya ang perang kinapital. Pumayag naman ang dumudulog na netizen.

Public Domain Image

“Since we are close friend I even told her na kahit hindi na lahat ng capital maibalik niya okay lang. So she promised to give me the payment before Christmas since mayroon siyang bonus. Then I followed her up sabi ko don’t forget ha yung sabi mo, but what happened is sinabihan ako na hindi daw siya makapagbibigay dahil may sakit yung anak niya.”

Kaya ngayon, humihingi ng payo ang netizen kung tutuldukan na ba niya ang pagkakaibigan nila at kalilimutan na lang ang utang nito.

“Ayoko mag-isip nang malalim kaya hingi po ako ng opinion kung tama ba ang gagawin ko na i-cut na lang ang friendship and forget na lang yung utang? Move on and forget the friendship na lang? Tama po ba ang gagawin ko Salamat po sa advice ninyo in advance,” saad niya.

Game na game namang nagbigay ng kanilang mga reaksyon, komento, at payo ang ibang mga netizens sa comment section.

“Let it go and move on. Money is only temporary but the trust and good relationship deserve to be given to genuine people na hindi sinungaling at manloloko. Kahit kamag-anak mo pa ‘yan minsan, nagagawa kang lokohin para sa sarili nilang pangangailangan. God bless you sender. Trust yourself first and build your own dreams,” saad ng isa.

Public Domain Image

Pahayag naman ng isa, “Kulang yung info, sender. Kung sincere naman yung friend mo at totoo namang nagkasakit yung anak niya, stretch your pang-unawa pa a bit. Pero kung feeling mo or kung alam mong nagsisinungaling lang siya para hindi ka mabayaran, then forget your friendship with her and the utang.”

“Don’t cut your friendship with her. Give her the benefit of the doubt about her promise to you on payment. Give her some space at makakabayad din sya. Kasi kapag pinutol mo ugnayan mo sa kanya, baka mamisinterpret ka niya na quits na kayo sa utang niya. Just remind her once in a while about her obligation in a diplomatic way. At the end malalaman mo rin kung sincere nga siya o hindi sa obligation niya,” wika naman ng isa.

Ikaw, anong opinyon mo kung ikaw ang nasa ganoong sitwasyon?

Source :

Facebook

Loading…