Netizen ibinahagi ang ipon challenge sa panahon ng pandemya

  • Ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang matagumpay na “Ipon Challenge”
  • May tumataginting siyang 66,582.00 piso sa loob ng isang taon
  • Hindi raw niya intensyong magyabang kundi magbigay ng inspirasyon

Isa sa mga mahahalagang aral na ipinakita ng pandemya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ipon. Ipon na maaaring magamit sa panahon ng pangangailangan, lalo na at marami sa mga kompanya at negosyo ang nagsara, na naging dahilan upang mawalan ng trabaho ang marami.

Kaya naman, ibinahagi ng isang netizen sa Facebook page na “CFO Peso Sense” ang kaniyang matagumpay na “Ipon Challenge” kung saan mula umano saP25,847.85 na 2019 na ipon, ngayong 2020 ay nakapag-ipon siya ng P66,582 kahit may pandemya.

Imahe mula sa Facebook page ng CFO Peso Sense

“Sharing is caring. Posting this not to brag but sharing this to inspire,” disclaimer niya.

“This year has been a tragic time for all us because of the pandemic and other natural calamities that hit us. Napakahirap mag-ipon kung iisipin mo, many of us are still employed during the pandemic but most of us were unemployed,” aniya.

“Luckily, I am one of those who were still employed and I have the means to continue my ipon challenge. Medyo mahirap dahil dumating sa point na halos wala ka nang maihulog dahil my salary is just enough to pay my bills and other stuffs.”

“So naisip ko na ok lang ‘yan, ‘di man ‘yan madagdagan, well at least ‘di naman siya nababawasan. It also came to a point and even crossed my mind na buksan na siya dahil medyo tight na rin yung budget. Praise God! Nanaig pa rin sa akin na huwag siyang buksan until matapos ko yung 1 year.”

“My mindset? Huwag na huwag mo iisipin na may naiipon or naitatabi kang pera, just focus on the money na meron ka on-hand. Kung may sobra magsubi, if wala then fine. I also think of ways how will I survive sa mga panahon na ‘to.”

Imahe mula sa Facebook page ng CFO Peso Sense / Public Domain Image

Mula raw sa kaniyang kaunting naipon sa bangko, nagbukas daw siya ng isang maliit na negosyo: nagtinda siya ng milk tea, at nagtinda ng mga bagay na patok sa panahon ng pandemya kagaya ng alcohol, face mask, face shield, inflatable pool at marami pang iba. Hindi naman daw siya nabigo. Pumatok naman lahat ng kaniyang negosyo.

Literal daw na halos ginawa niyang araw ang gabi para lamang sa mga sidelines niya, tutal ay working-from-home naman siya. Hindi naman daw niya sinasabing tama ang ginawa niya, huwag daw siyang gayahin, dahil syempre, mas mahalaga pa rin ang kalusugan.

“I made it! Though hindi ko na hit yung target ko this year, but the fact na nakapag-ipon ako is very fulfilling. Hope this post would inspire everyone to think positively…” aniya.

“Maliit na amount lang ‘to sa mga mayayaman, but big enough for me to start para maging kagaya nila. LAW OF ATTRACTION! If I can, you too can! Pasok ka na din sa bangko” dagdag pa niya.

Nakaka-inspire hindi ba?

Source :

Facebook

Loading…