Netizen idinulog kung ano ang solusyon sa problema niya sa boyfriend na nasanay sa libre

  • Idinulog ng isang babae sa social media ang kaniyang problema sa boyfriend
  • Nasanay na raw kasi ito na laging nagpapalibre sa kaniya
  • Bukod dito, parang walang plano sa kanilang kinabukasan o hinaharap bilang mag-asawa ang boyfriend

Sabi nga, ang pagkakaroon ng kasintahan ay unang hakbang upang matantiya o magkakilanlan ang isa’t isa kung uubra bang makatuwang sa buhay at makasama sa iisang bubong. Subalit paano naman kung hindi pa man asawa ay sakit na ito sa ulo?

Iyan ang idinulog ng isang babaeng hindi nagpakilala, sa Facebook page na “CFO Peso Sense.”

Sa pamamagitan ng kaniyang Facebook post, isinalaysay niya ang kinakaharap na problema sa kaniyang boyfriend at humingi ng payo sa mga makababasa nito.

Public Domain Image

Salaysay niya, nawawalan na raw siya ng gana sa kaniyang boyfriend dahil parang wala itong balak mag-ipon at paghandaan ang kanilang hinaharap. Wala pa silang isang taong magkasintahan, subalit ngayon pa lang ay unti-unti na niyang nakikilala ang ugali nito, lalo na ngayong pandemya.

“Dati, lagi kami hati sa gastos kapag lalabas, pero madalas ako yung mas malaki ang ambag dahil mas mataas ang sahod ko sa kanya. Ngayon, parang nasanay na siya na puro ako ang sagot, mula sa pamasahe, sa pagkain at sa lahat, dahil ako ‘yung may mas pera (not to brag po).”

“Hinayaan ko na lang kasi iniintindi ko na lang dahil mahal ko naman siya. Kaso napapaisip ako kasi parang sobra na, madalas feeling ko pa required akong i-provide ‘yung mga ‘di nya ma-provide sa sarili niya tapos dahil nga i-provide ko ‘yun sa kanya, babawasan ko ‘yung budget ko para sa sarili ko na maski ‘yung gusto ko, ‘di ko na binibili para lang mabigay ‘yung needs niya,” dagdag pa nito.

“Tapos ‘pag naalala ko pa ‘yung kwento niya kung paano niya binigay lahat ng meron siya sa ex-gf niya na kahit walang-wala na siya, binibigay niya pa rin kung anong meron siya. Tapos ang dami niya pang naregalo sa ex niya tulad ng sapatos, cellphone at kung ano pa, at sa akin hanggang ngayon wala, kahit simpleng letter, hindi niya ako nagawan.

Public Domain Image

“Naiisip ko tuloy, bakit parang naging baligtad sitwasyon, sa akin niya ngayon ginagawa ‘yung ginawa ng ex niya sa kaniya dati.”

Ayaw daw sana niyang maghambing, subalit dumarating na raw siya sa puntong natatanong na niya sa sarili kung talagang mahal ba talaga siya ng boyfriend niya. Hindi raw kasi niya maramdaman ang effort nito. Naiisip din niyang marahil ay kasalanan niya dahil sa kabilang banda ay na-spoil niya ito kaya humantong sa ganoong sitwasyon.

Narito naman ang ilan sa mga payo ng mga netizens: 

“Hi sender, mas maliwag pa sa araw ang dapat mong gawin. May time ka pa para itama ‘yang future mo, don’t stick with him when you are not clearly seeing what your future will be kapag siya nakatuluyan mo; you deserve more than that. Ang bata mo pa para maging mamasang…” sabi ng isa.

Pagbabahagi naman ng isa, “Sender kami din ng ex-bf ko ganyan din kami noon, wala pa kami 1 year, ako ang sagot lagi. Pero noong nagkaron na siya ng magandang work siya na lagi. Asawa ko na pala siya ngayon.”

“Kung mahal mo naman, okay lang iyan Ate Girl. Malay mo naman magbago pa iyan. Be open din kasi sa mga nararamdaman mo para alam din niya. Tapos kung wala talagang pagbabago, magdesisyon ka na,” wika naman ng isa.

Public Domain Image

Turan naman ng isa, “Ms. Sender, you already know the answer to your dilemma. You are just waiting for a VALIDATION of your decision. One word- LEAVE! Wala kang future sa lalaking parasite.”

Tandaan, ang pagpapakasal ay hindi kaning mainit na kapag isinubo at napaso ay agad na iluluwa ito. Kaya nga sabi, “Esep! Esep!”

Ikaw, ano ang maipapayo mo sa babaeng ito?

Source :

Facebook

Loading…