Netizen na nadismaya sa kinain niyang “ice cream na mantika” nagdulot ng katatawanan

  • Napagkamalang ice cream ng isang babae ang mantikang namuo na nakalagay sa loob ng kanilang refrigerator
  • Nailagay kasi ng sinoman sa kaniyang mga kaanak ang mantika, sa mismong bakanteng ice cream container
  • Good vibes naman ang hatid nito sa mga netizens

Likas sa mga Pilipino ang pagiging mapamaraan at praktikal lalo na sa mga gamit. Minsan, hindi na kailangan pang bumili ng mga lalagyanan ng ulam dahil maaari nang gamitin ang mga plastic containers mula sa mga biniling ice cream. Sa halip na itapon kasi, maaari pa naman itong gamitin upang mapaglagyan ng mga tirang ulam, o kaya naman ay fruit salad.  Menos gastos at makatitipid nga naman.

Kaya naman minsan, kailangang ipaalam sa mga miyembro ng pamilya kung ano ang laman ng plastic containers, lalo na’t kung hindi naman orihinal na pagkain ang nakalagay sa loob nito, upang hindi ma-“wow mali” ang sinoman. Kagaya na lamang sa naranasan ng netizen na si Kristine Mae Asi nitong Noche Buena. Ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post ang paglantak niya sa ice cream o sorbetes na nakita niya sa loob ng kanilang refrigerator.

Imahe mula sa Facebook account ni Kristine Mae Asi

Nang tikman niya ang ice cream, na kung susuriin ay maaaring macapuno ang flavor, nagtaka siya kung bakit parang lasang chicharon. Iyon pala, hindi ito ice cream kundi mantika ng baboy! Aksidente umanong nailagay ito sa loob ng ref, at nang mamuo ito, nagmistula itong ice cream, lalo pa’t nakalagay ito sa ice cream container.

“YUNG EXCITED NA EXCITED AKO MANGAIN NG ICE CREAM PERO ISANG SUBO KO PA LANG NAGTAKA AGAD AKO KUNG BAKIT LASANG CHICHARON!!!! KUNG SINO MAN NAGLAGAY NG MANTIKA NG BABOY SA LAGAYAN NG ICE CREAM. WAG MO MUNA AKO KAUSAPIN! #lechebuena #pighati,” saad sa caption ng kaniyang FB post.

Dahil dito, naiyak daw sa inis ang dalaga. Talaga namang dismayado siya dahil minsan na lamang daw siyang makakain ng ice cream sa bahay, mapupurnada pa. Gigil na gigil siya sa kasama sa bahay na naglagay ng mantika sa loob ng ref.

Good vibes naman ang hatid nito sa mga netizens.

“Bili na lang ulit neng, kahit tig-bente lang. Huwag mainis! Bawal ma-sad ngayon sa mga ganitong panahon na kabi- kabila ang nararanasang stress dulot ng iba’t ibang mga pangyayari. Do something na makakapagpasaya! At thank you kasi ako, personally napasaya mo ako,” sabi ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Kristine Mae Asi

Turan naman ng isa, “Calling the attention of the ice cream company na biglang na-feature ni Ate, malay mo bigyan ka nila ng ice cream dahil pinag-usapan ka.”

“Mga brand ng ice cream diyan it’s your time to shine, padalhan ninyo ng ice cream ito,  marketing strategy plus napasaya ninyo pa si Ate!” pahayag naman ng isa.

Kaya sa susunod, suriin munang maigi ang anomang kakainin! Iyong iba kasi ay mapagpanggap!

Loading…