Netizen nakapag-ipon kahit nagsara ang pinagtatrabahuhang salon

  • Ibinahagi ng isang netizen ang matagumpay na pag-iipon kahit nawalan siya ng trabaho dahil sa pandemya
  • Siya ay dating nagtatrabaho sa isang salon
  • Pinasok daw niya ang pagbebenta ng kung-ano-anong mga produkto katuwang ang kaniyang mister

Sabi ng mga financial expert, wala sa laki o liit ng kita ang ikatatagumpay ng pag-iipon ng isang tao o kahit sa mag-asawa kundi nasa tamang pagdidisiplina sa sarili. Magmula sa piso o hanggang sa isang libong piso, kapag pinagsama-sama, tiyak na makabubuo ng malaking halaga sa loob ng isang taon.

Kaya naman, ibinahagi ng isang netizen sa Facebook page na “CFO PESO SENSE” ang kaniyang ginawang pag-iipon sa kabila ng pandemya.

Imahe mula sa Facebook page na CFO PESO SENSE

“Di ko po mapigilan maging emotional habang inaayos ko ‘tong naipon ko this pandemic. Nagsara ang pinagtatrabahuhan kong salon nang ilang buwan. Pero alam naming meron pa kaming magagawa kasi malakas pa ang aming katawan,” paliwanag niya.

Taliwas umano sa mga nangyari sa iba, nagsimula umano ang kaniyang pag-iipon pagkatapos ng lockdown o enhanced community quarantine noong Marso 2020. Ang naging sikreto niya? Labis na  pagtitipid, pagba-budget at diskarte lamang. Pinasok daw nila ang anomang legal na pagkakakitaan. Naging katuwang din niya ang mister dito.

“Nagbenta ng kahit anong legal… sinugod namin ng asawa ko ang mga pamilihan para bumili ng mga mabebenta kahit alam namin ang panganib na kaakibat nito… para sa pamilya.”

“Itong naipon ko ngayon ay magiging simula ng mas malaki kong plano para sa 2021, na sa tulong ng Diyos at sa aking pananampalataya sa Kanya, kini-claim kong  magiging successful,” saad niya.

Nag-iwan din siya ng mensahe para sa lahat.

“This post is not to brag but to inspire others like me to always keep the faith. Let go and let God move his wonders even on impossible situations.”

Imahe mula sa Facebook page na CFO PESO SENSE

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. Pinuri nila ang netizen sa kasigasigan nito pagdating sa diskarte. Nagbahagi naman din ang ilan ng kanilang ipon challenge na kanila ring napagtagumpayan.

Kaya goal natin ngayong 2020, mag-ipon lang nang mag-ipon! Keep the faith!

Source :

Facebook

Loading…