NLEX balik-operasyon matapos pumayag sa ‘barriers up’ scheme

Imahe mula sa Facebook | Valenzuela City
  • Inalis na ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang suspension order sa NLEX Corp. matapos nilang magkasundo sa pagpapatupad ng barriers up policy
  • Naniniwala raw silang makatutulong ito upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Valenzuela
  • Matatandaang Disyembre 7 nang ihain ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang suspension order sa NLEX Corp. na hindi muna nakasingil noon ng toll sa mga dumadaan

Balik-operasyon na ang North Luzon Expressway (NLEX) toll matapos na alisin ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang suspensyon order sa kanilang business permit.

Imahe mula sa Facebook | Valenzuela City

“The City Government of Valenzuela and NLEX Corp. have come to a meeting of the minds this morning, 10:30 a.m., December 16, 2020,” pagbabahagi ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa isang Facebook post.

Naglabas si Mayor Gatchalian ng Executive Order No. 2020-330 na naglalahad ng Deed of Undertaking na naglalahad ng mga napagkasunduan nila.

Napagkasunduan ng magkabilang-panig na ipatupad ang “barriers up” policy sa mga RFID lanes sa lungsod mula 5 a.m. hanggang 10 p.m. Samantala, barriers down naman mula 10:01 p.m. hanggang 4:59 a.m.

Imahe mula sa PNA

Bukod sa pagkakaroon ng cash lanes sa mga strategic location sa toll plaza ay bumuo rin sila ng technical working group “composed of CGOV and NLEX key personnel, who will continuously meet to innovate traffic and account management initiatives.”

“Both parties believe that this is the right direction to take to ease the burden of the riding public,” dagdag pa ni Mayor Gatchalian.

Disyembre 7 nang ihain ng Valenzuela City and suspension order ng business permit ng NLEX sa lungsod matapos na hindi masolusyonan ang mabigat na daloy ng trapiko dulot ng cashless transactions.

“Ang ginagawa ko lang, dahil sa mga violations sa kanilang business permit, sinuspend namin ‘yung kanilang collecting power,” pahayag ni Mayor Gatchalian sa isang panayam sa ABS-CBN Teleradyo.

Magreresulta muli sa suspensyon ng business permit ng NLEX Corp. sakaling may malabag ito sa kanilang napagkasunduan.

Loading…