Number coding mananatiling suspendido hanggang 2021, truck ban posibleng ibalik na

Imahe mula sa PNA
  • Pananatilihin pa ring suspendido ang number coding scheme hanggang sa susunod na taon
  • Hindi pa gaanong stable ang public transportation, ayon sa MMDA
  • Posibleng maibalik na ang truck ban sa ilang lugar

Mananatiling suspendido ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program o mas kilala bilang number coding scheme sa Metro Manila, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Imahe mula sa MMDA

Sinabi ni MMDA general manager Jojo Garcia noong Biyernes, December 4, na mananatiling suspendido ang number coding scheme dahil hindi pa stable ang public transportation sanhi ng mga ipinatutupad na quarantine restrictions sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Maybe not yet. Alam naman natin na ang ating public transportation hindi pa siya ganun ka-stable, hindi full capacity. Hindi pa ganun ka-stable ang ating public transportation so baka hindi muna natin i-balik ‘yan. Naka-lift pa rin ang ating coding,” wika ni GM Garcia.

Sinabi pa niya na kung ibabalik na ang number coding ay tiyak na marami ang magre-request ng exemptions tulad ng mga frontliners at essential workers.

“If we have the coding, expect loads and loads of requests for exemption – medical workers, essential workers, restaurant workers — all of them are essential,” aniya.

Imahe via Zoom

Ang kakulangan sa public transportasyon ang isa sa mga sinisilip na dahilan sa pagtaas ng bilang ng mga unemployed sa bansa.

“Dapat sana mabilis-bilis pa, marami pa ring problema kaya ‘di natin ma-employ ‘yung mga taong dapat ma-employ,” sabi ni Employers’ Confederation of the Philippines president Sergio Ortiz-Luis Jr.

Ayon kay Garcia, pinag-iisipan na ng ahensya ang posibleng pagpapatupad ng truck ban sa susunod na taon sa ilang lugar, subalit kailangan daw muna nitong makipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry para plantsahin ang ilang detalye.

Imahe mula sa Invest Philippines

Matatandaang inalis ang truck ban upang pabilisin ang biyahe ng mga essential goods habang nasa ilalim ng community quarantine ang bansa.

“Pinag-iisipan na natin ‘yan na puwede siguro sa EDSA or some other parts. Siguro give us another week. I need to talk also with DTI kasi we need to classify ano ‘yung essential goods,”  aniya.

 

Source :

ABS-CBN, Inquirer

Loading…