Ordinansa mula sa LGUs kailangan bago payagang makapasok ng mall ang mga menor de edad

Screenshot mula sa GMA video
  • Kailangan ang ordinansa mula sa mga LGUs bago payagang makapag-mall ang mga menor de edad
  • Naunang ipinahayag ng DILG na papayagan ang mga menor de edad na makapag-mall kung may kasamang magulang o tagapag-alaga
  • Hihintayin naman ng Metro Manila Council ang advice mula sa health experts bago maglabas ng resolusyon hinggil sa mga menor de edad

Pinahihintulutan na ng pamahalaan na makapasok sa mga shopping malls ang mga menor de edad basta kasama ang kanilang mga magulang o tagapag-alaga, ngunit nilinaw na kailangan pang pagtibayin ito ng mga local government units (LGUs) sa pamamagitan ng paglalabas ng ordinansa.

Screenshot mula sa GMA video

Sa pahayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año as sisang panayam, sinabi niya na kasalukuyan pang nakikipag-usap ang Metro Manil Council sa Philippine Pediatric Society at sa ibang health experts bago maglabas ng resolusyon.

“Noong Sunday nga lumabas ‘yung proposal nila. Ang sabi natin, gawin ninyo ang inyong resolution at ordinansa kasi ang mga LGU talaga ang mayroong responsibilidad diyan. Sa ngayon nagsasagawa pa sila ng pulong dahil hati kasi ang mayors ng Metro Manila at kailangan isa lang ang stand nila,” ayon kay Sec. Año.

“Ang update natin makikipag-meeting pa sila sa Philippine Pediatric Society para magkaroon sila ng discussion. Based doon sa kanilang consensus, ang sabi nila hindi pa sila handa dahil Christmas, puwede ‘yang ‘di matuloy. At kung sabihin naman nila na pupuwede ganitong edad, papayagan natin, accompanied by guardians or parents, we can adopt it,” sabi pa ng kalihim.

Imahe mula sa PNA

Ayon naman kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Brigadier General Vicetne Danao na nananatiling ipinagbabawal ang paglabas ng mga menor de edad sa luagar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Ani Danao, mas mainam na kontrolado pa rin ang bilang ng mga taong papayagang makalabas habang nananatili ang pandemya. Sinang-ayunan ito ni Sedc. Año.

“Tama naman ‘yung sinabi ni General Danao. Hangga’t maaari kung mababawasan natin ‘yung taong lalabas, okay naman ‘yun. Ito namang ating mga pahayag ay base sa posisyon ng mga mayors noong nakaraang Linggo,” wika si Sec. Año.

Imahe mula sa PNA

Tiniyak naman ni Joint Task Force COVID Shield commander Police Lieutenant General Cesar Hawthorne Binag na naghahanda na ang hanay ng kapulisan sakaling payagan nang makapag-mall ang mga kabataan.

Loading…