‘Original creator’ ng engagement ring nina Luis at Jessy nagreklamo; Luis sinagot na ang kontrobersiya

Screenshot mula sa Instagram ni Jessy Mendiola
  • Nagreklamo ang isang jewelry company dahil ‘di raw sila nabigyan ng credits
  • Ang engagement ring nina Luis at Jessy ang tinutukoy nito
  • Nagpaliwanag naman si Luis Manzano sa nasabing kontrobersiya

Hindi pa man naikakasal ay binalot na ng kontrobersiya ang sina Luis Manzano at Jessy Mendiola na kamakailan laman ay ibinahagi sa social media ang kanilang engagement.

Nitong Sabado, Disyembre 12, ay nagpost si Jessy ng larawan nilang magkasintahan sa Instagram kung saan makikitang suot ng aktres ang kaniyang engagement ring.

Sa kanilang post ay naka-tag ang Manila Diamond Studio kung saan ang aktres ay isang brand ambassador.

Imahe mula sa Facebook-Radiant Jewelry

Kinabukasan ay biglang naglabas ng pahayag ang Radiant Jewelry bilang protesta dahil hindi man lang umano sila binigyan ng credits bilang ‘original creator’ ng naturang engagement ring.

“It is unfortunate that a company would insinuate a work for something they did not do,” it said. “We feel the need to inform the public that this is our work. We are the original creators of the engagement ring of Jessy Mendiola and Luis Manzano,” anang Radiant Jewelry.

“In our opinion taking credit for something they did not do is detrimental to the industry that have ring makers who put their heart and soul to their pieces. Such a post or announcement is very misleading and unethical,” dagdag pa ng jewelry company.

Screenshot mula sa Instagram-Manila Diamond Studio

Kaugnay nito ay nagpaliwanag naman si Luis tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanilang engagement ring.

“While Radiant did help us procure the main stone, we had a completely different setting, add ons and design made thru @maniladiamondstudio,” paliwanag ng actor-host sa comment section ng Instagram post.

Screenshot mula sa Instagram

“So yes, the design Jessy is wearing right now is from her own design and @maniladiamondstudio,” wika pa nito.

Bagama’t maraming netizens ang hindi kumbinsidong si Jessy Mendiola mismo ang nag-design ng singsing, iginiit pa rin ni Luis na ang final design ay hindi gawa ng Radiant kundi ng kaniyang kasintahan at ito ang dahilan umano kung bakit ‘unique’ ang kanilang engagement.

Loading…