Pacquiao biopic: Leonardo DiCaprio posibleng gumanap na Freddie Roach, Rami Malek bilang Pacquiao

Imahe mula sa Facebook account ni Manny Pacquiao
  • Isiniwalat ni Sen. Manny Pacquiao na may mga nag-aalok sa kanya na gawing pelikula ang buhay niya
  • Kinumpirma niya na posibleng si Leonardo DiCaprio ang gumanap na Freddie Roach
  • Napapabalitang si Rami Malek, ng Bohemian Rhapsody fame, ang gaganap na Manny Pacquiao, pero sinabi ng senador na hindi niya ito alam

May mga proposals daw na natanggap ang fighting senator na si Manny Pacquiao para isapelikula ang kanyang buhay at ang isa sa mga artistang makakasama sa naturang pelikula ay ang Hollywood actor na si Leonardo DiCaprio.

Imahe mula sa Facebook account ni Leonardo DiCaprio

“There is a proposal but hindi pa kami seriously na nag-usap ng finality about that topic,” ayon kay Sen. Manny Pacquiao nang tanungin tungkol sa mga napapabalitang biographical movie tungkol sa kanya.

Batay umano sa mga kumakalat na balita, si Leonardo DiCaprio, na naging popular sa bansa dahil sa pelikulang “Titanic,” ang diumano ay gaganap bilang ang American boxing trainer na si Freddie Roach at ang katauhan ni Manny Pacquiao ay isasabuhay ni Rami Malek, na nakilala sa pagganap niya bilang frontman ng bandang Queen na si Freddi Mercury sa pelikulang “Bohemian Rhapsody.”

Nang tanungin, kinumpirma ni Sen. Pacquiao na posible ngang si Leonardo DeCaprio ang gaganap na Freddie Roach, pero sinabi niya na hindi niya alam na si Rami Malek ang gaganap na Manny Pacquiao.

“Yes. Nabanggit sa akin. Iba-iba, tatlong movie ‘yun pero nandyan ‘yung Freedom Fighters, at itong movie na ito ilalagay sa Netflix,” sabi ng senador tungkol kay DiCaprio.

Imahe mula sa Oscars

Nang tanungin kung papayag siya sa alok tungkol sa biopic niya, sagot ni Pacquiao: “Why not? Basta magkakasundo.”

“Actually, sa totoo lang, naudlot yan. Nahinto ‘yung pag-uusap namin about sa ganyang mga transaction, especially sa boxing career ko. Kasi itong sa pandemic, naka-focus ako doon sa pagtulong,” aniya.

Nang mapag-usapan ang boksing, sinabi ng Pambansang kamao na balak niyang bumalik sa boxing scene sa susunod na taon. Isa hanggang dalawang boxing match ang tina-target niya para sa 2021.

Imahe mula sa UFC

Kung papipiliin ng magiging katunggali, gusto raw niyang mauna si UFC Superstar Conor McGregor.

“I want to experience to fight an MMA (mixed martial arts) fighter,” aniya.

Loading…