Padyak sa halip na restaurant: Chef ipinagpatuloy ang vegan lechon house kahit nag-back out ang investor

Imahe mula sa Facebook | Chef ELPI, RN
  • Naging inspirasyon para sa mga nais na magbukas ng negosyo ang isang chef na itinuloy ang pagbubukas ng lechon house kahit nag-back out ang kaniyang investor
  • Matapos ang ilang araw na pag-iyak ay bumangon siya at nag-isip ng paraan kung paano matutuloy ang negosyo
  • Bumili siya ng cart at doon sinimulan ang kaniyang vegan lechon business

Kinabiliban ng netizens ang isang chef na naunsyami ang nakatakdang pagbubukas ng maliit na vegan restaurant sa Maynila matapos na mag-back out ang kaniyang investor.

Imahe mula sa Facebook | Chef ELPI, RN

Kuwento ni Chef ELPI, RN sa isang Facebook post, labis siyang nalungkot nang hindi natuloy ang pagbubukas ng maliit na negosyo dahil sa bahagi ng kontrata na hindi nila napagkasunduan ng kaniyang investor.

Hinimok siya ng kaniyang bestfriend na pumunta na lamang sa ibang bansa dahil tila hindi naa-appreciate sa Pilipinas ang kaniyang adbokasiya. Ang kaniyang pamilya naman, pinababalik na siya sa probinsiya upang doon magsimula muli at magdiwang ng Pasko.

“I cried. For two days, I just stayed inside my room. I had no motivation to get up from my bed. I felt devastated. I felt lost,” pag-amin niya.

Ngunit kinabukasan ay bumangon siya at pumunta sa La Loma sa Quezon City na itinuturing na lechon capital ng bansa upang doon magsimula ng negosyo.

Imahe mula sa Facebook | Chef ELPI, RN

“I searched for a place to rent where I can stay nearby, bought a stainless steel cart, bought a small freezer,” pagbabahagi ni Chef ELPI.

“I did all of those in one day, and tada! Surprise! I just put up the very first PLANT-BASED (VEGAN) LECHON HOUSE in the Philippines, right at the heart of the Philippine’s lechon capital, La Loma.”

Inamin niyang walang kasiguraduhan kung magtatagumpay siya sa kaniyang ginawa ngunit nais niya talagang sumubok.

“I don’t know if I will make it. I just want it so badly. Even if I have to start at the bottom again, do everything from scratch…Even if there is a greater chance of failing again because in the world of entrepreneurship, only 5 percent of startups succeed,” aniya pa.

Biro niya pa, kung sakaling mabigo ay papadyak na lang siya gamit ang nabiling cart pauwi sa Mindanao.

Pinalakas naman ng netizens ang kaniyang loob at sinabing huwag siyang susuko sa kaniyang pangarap. “Please don’t feel discouraged. Your idea is absolutely unique and sooner or later, the whole Philippines will discover what you invented! We will support you.”

Source :

Facebook

Loading…