Paggamit ng torotot at pito sa pagsalubong sa Bagong Taon, pinaiiwasan ng DOH

Imahe mula sa Panay News
  • Bukod sa mga paputok, pinaiiwasan na rin ng DOH ang paggagmit ng torotot at pito sa pag-iingay pagsapit ng Bagong Taon
  • Nagreresulta sa pagtalsik ng laway ang torotot at pito
  • Nagbigay ng mga alternatibo ang DOH para sa pag-iingay sa Bagong Taon

Noong mga nakaraang taon ay hinihikayat ng pamahalaan ang paggamit ng torotot at pito sa paggawa ng ingay sa pagsalubong sa Bagong Taon sa halip na magpaputok upang maiwasan ang hindi kinakailangang sakuna.

Imahe mula sa PNA

Ngunit dahil sa umiiral na health crisis ay hindi na rin inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng torotot o pito (whistle).

Iminungkahi ni DOH Secretary Francisco Duque III na gumamit na lang ng mga alternatibo sa paggawa ng ingay tulad ng mga tambol at busina ng sasakyan. Puwede rin umano ang pagpalakpak.

“Maliban sa paputok, iwasan din natin ang mga paggamit ng mga torotot at mga katulad nito upang mapigilan natin ang posibleng pagkakahawa sa COVID-19 at iba pang sakit. Humanap tayo ng ibang alternatibo sa paputok gaya ng mga tambol, busina o ‘di kaya pagpalakpak,” sabi ng kalihim.

Ipinaliwanag ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje kung bakit hindi hinihikayat ang paggamit ng torotot.

Aniya, “Huwag po tayong gagamit ng pampaingay na gumagamit sa bibig that will cause the tranfer of saliva. So ‘yung mga pito, ‘yung mga torotot, bawal po ngayon ‘yan. Kailangan naka-mask pa rin at nagso-social distancing.”

Public Domain Image

Narito ang ilan pang mga alternatibo sa paputok at torotot na iminumungkahi ng DOH:

  • Pagpukpok ng kaldero o pagpalo sa tambol o pagbusina
  • Pag-alog ng alkansya
  • Pagkumpas ng tambourine
  • Pagpapatugtog nang malakas
  • Pagpapa-ilaw ng glow sticks
Imahe mula sa Abante
Source :

MSN, DWIZ

Loading…