Pagpapataw ng buwis sa e-sabong makatutulong sa pagbangon ng ekonomiya

Imahe mula sa Pilipino Mirror
  • Pasado na sa third and final reading ang e-Sabong Bill na inihain ni Rep. Joey Salceda
  • Layunin ng panukalang batas na patawan ng buwis ang e-sabong
  • Inaasahang makakakolekta ng P1.25 billion ang BIR sa unang taon ng full implementation ng panukala kapag naisabatas na ito

Naniniwala ang mga mambabatas na ang panukalang batas na patawan ng buwis ang electronic sabong o e-sabong ay makatutulong nang malaki upang makabangon ang ekonomiya ng bansa na pinadapa ng COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa Sabong International

Sa botong 215 affirmative, isang negative at walang abstention ay pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill Number 8065 o ang E-Sabong billl na isinulong ni Albay Representative Joey Salceda, ang chairman ng ways and means committee.

Sabi ni Rep. Salceda, sa unang taon ng full implementation ng batas ay makalilikom ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng P1.25 billion o mahigit 90 beses sa kasalukuyang buwis na nakokolekta nito sa mga sabungan na nagkakahalaga lang ng P13.7 million.

“Simply put, it’s an untaxed activity where taxes will not harm the economy. The conclusion is obvious on the revenue aspect. Let’s make better use of the industry, while regulating it. The bill taxes an existing industry that is not yet being taxed, without causing any economic harm, as wagering is a demand inelastic non-essential,” anang Bikolanong mambabatas.

Imahe mula sa Sabong Online

Nilinaw ni Rep. Salceda na ang online betting sa sabong ay awtorisado ng mga local ordinances.

Suportado ng Games and Amusement Board, BIR, at Department of Finance ang e-Sabong Bill na na-transmit na sa Senado para sa deliberasyon ng mga senador.

Loading…