Pagpapatalsik sa Makabayan bloc baka ikagagalit lang ng maraming mamamayan – Solon

Imahe mula sa ndfp.org
  • Kinontra ng isang solon ang pahayag ni Defense chief Lorenzana
  • Mas marami lang daw ang magagagalit sa gobyerno kapag pinatalsik ang Makabayan bloc
  • Nais kasing ipa-disqualify ni Sec. Lorenzana ang grupo sa susunod na eleksiyon

Kinontra ng isang Makabayan solon ang suhestiyon ni Defense chief Delfin Lorenzana na dapat patalsikin sa Kamara ang Makabayan bloc dahil sa diumano’y kaugnayan ng mga ito sa makakaliwang grupo.

Sa pahayag ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro, isa sa kasapi ng Makabayan bloc, sinabi nitong ang hakbang na ito ay patunay lamang na minamaliit ng administrasyong Duterte ang mga lehitimong hinaing tulad ng dagdag-sahod sa mga guro, dagdag na benepisyo sa mga manggagawa at proteksiyon laban sa hind makataong patakaran ng gobyerno.

ACT Teachers party-list Rep. France Castro| Screenshot mula sa YT

Ang pagpapatalsik umano sa kanilang grupo ay hindi magpapahina sa grupong CPP o NPA bagkus ay baka lalong mas marami pang mamamayan ang magalit sa pamahalaan.

“Hindi ang pagpapatanggal sa amin ang magpapahina o magpapatalo sa CPP-NPA kung iyon ang gusto nilang mangyari,” giit ni Castro.

“Mas marami lamang mamamayan ang magagalit at lalaban sa administrasyong prayoridad ang atakihin ang mga lehitimong panawagan ng mamamayan sa gitna ng pandemiya at matinding krisis pang-ekonomiya,” dagda pa ng mambabatas.

Magugunitang nais ni Lorenzana na ma-disqualify na sa susunod na halalan ang Makabayan bloc dahil wala naman daw itong ginagawa kung hindi batikusin ang gobyerno na lalo lang nagpapalakas sa mga kalaban ng estado.

Imahe mula sa Facebook

Para naman kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, maaari silang kasuhan ng paulit-ulit subalit tiwala umano siyang madi-dismiss lamang ito sa hukuman dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Ang ‘red-tagging’ daw ay hindi ‘truth-tagging’, kung hindi isang ‘witch hunt’ upang patahimikin ang mga kalaban ng pamahalaan.

Nauna nang iginiit ng Makabayan bloc na wala silang kaugnayan sa makakaliwang kalaban ng pamahalaan tulad ng CPP at NPA.

Loading…