Pagsibak sa halos 500 regular workers ng Dole Philippines dapat imbestigahan

Imahe mula kay dating DA Sec. Manny Piñol
  • Dole Philippines, nagtanggal ng halos 500 regular workers sa gitna ng pandemya
  • Pinaiimbestigahan ito ni Sen. Risa Hontiveros sa DOLE
  • Naalarma ang senadora dahil sa ginawang pagtanggal sa trabaho sa mga regular workers na inuna pa kaysa mga contractual workers

Pinaiimbestigahan ni Senator Risa Hontiveros sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang diumano ay iregularidad sa pagsibak sa halos limandaang regular na manggagawa ng Dole Philippines, Inc., (Dolefil) isa sa pinakamalalaking producers at exporters ng fresh at canned pineapples sa bansa.

Imahe mula sa BWO

Sa isang liham na ipinadala sa DOLE, sinabi ng senadora na walang legal na basehan ang retrenchement sa mga regular workers ng Dolefil dahil batay sa ipinapakita ng annual audited financial statements ng kumpanya ay hindi naman ito nakaranas ng pagkalugi nitong mga nagdaang taon.

Ayon sa ilang empleyado, pagkalugi na pinalala pa raw ng pandemya ang idinahilan ng kumpanya sa pagsibak sa kanila

“Nanawagan ako sa DOLE to immediately look into this case. Ngayong panahon ng pandemya, hindi natin puwedeng talikuran ang mga nawalan ng hanapbuhay lalo’t may nakita silang iregularidad sa kanilang retrenchment,” sabi ni Sen. Hontiveros.

Naalarma ang senadora dahil sa ginawang pagtanggal sa trabaho sa mga regular workers na inuna pa kaysa mga contractual workers.

Imahe mula kay Sen. Risa Hontiveros

“Nakakaalarma rin na sa kabila ng pagreregular nila sa nasa 5,000 employees noong 2018 bilang suporta sa kampanya ng gobyerno laban sa endo, nagpatuloy pa rin silang maghire ng contractual workers. This clearly belied the basis given for the retrenchment of its regular workers,” saad pa ni Sen. Hontiveros.

Kinukwestyon din ng senadora ang paghahain ng Dolefil ng notice of retrenchment noong September 18, 2020 na tatlong araw na ang nakalipas matapos ang aktwal na tanggalan noong September 15, 2020.

Hiniling niya sa DOLE na mamagitan sa kumpanya at mga tinanggal na manggagawa upang matukoy kung may nalabag na labor laws.

Umaasa si Sen. Hontiveros na magkakasundo ang dalawang panig upang maiwasan ang pagkakaroon ng mas malalang labor dispute.

Imahe mula sa Dolefil

Loading…