Pagsusuot ng face shield hindi inirerekomenda ng DOH para sa lahat

Imahe mula sa OneNews
  • Sinabi ng DOH na hindi nito inirerekomenda para sa lahat ang pagsusuot ng face shield
  • Sinabi ng DOH na dapat ay may exemptions sa patakarang inilabas ng IATF na obligado ang lahat na magsuot ng face shield sa lahat ng oras kapag nasa labas ng bahay
  • Nagiging sagabal kasi sa ilang manggagawa ang pagsusuot ng face shield na maaaring mauwi sa disgrasya

Hindi inirerekomenda ng Department of Health (DOH) para sa lahat ang pagsusuot ng face shield. Sinabi ng kagawaran na dapat ay magkaroon ng mga exemptions sa alituntunin na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na mandatory ang pagsusuot ng face shield, bukod pa sa face mask, kapag nasa labas ng tahanan.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Ayon kay DOH Spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga taong may partikular na health conditions ay maaaring mahirapang makahinga kapag pinilit na magsuot ng face mask at face shield.

Posible rin umanong malagay sa alanganin ang ilang manggagawa kapag lumabo ang kanilang pananaw dahil sa face shield.

“Hindi po natin nirerekomenda na gagamitin ang face shield kung ang isang tao ay mayroong specific na karamdaman na magkakaroon siya ng limitasyon sa paghinga,” pahayag ni Usec. Vergeire sa isang press briefing.

“Hindi rin natin siya nirerekomenda doon sa mga trabahong medyo magiging dangerous siya. Baka mag-reflect doon sa face shield, magkaroon siya ng pagkalabo sa sight niya,” sabi pa ni Usec. Vergerie.

Screenshot mula sa Inquirer video

Ang obligadong pagsusuot ng face shield ay inanunsyo ni Presidential at IATF Spokesperson na si Harry Roque ilang araw pa lang ang nakalilipas. Sinabi niya na dapat ay natatakpan ng suot na face shield ang buong mukha.

Nitong Biyernes, December 18, naglabas ng bagong resolusyon ang IATF na nagsasaad na ang DOH, kasama ng Department of Trade and Industry at iba pang naaangkop na ahensya ay dapat maglabas ng consolidated advisory tungkol sa tamang pagsusuot ng face shield, kasama na rin ang exclusions o exemptions kung mayroon man.

Imahe mula sa New Indian Express
Source :

CNN PH, News7

Loading…