Pagsusuot ng face shield, nakatutulong upang makadagdag proteksyon sa COVID-19 — DOH

  • Makatutulong ang pagsusuot ng face shield upang madagdagan ang proteksyon kontra COVID-19
  • Ipinaliwanag ito ng DOH matapos na ipatupad ang pagsusuot ng face shield bukod sa face mask
  • Ito raw ay upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa gitna ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon

Ipinaalala ng Department of Health (DOH) ang kahalagahan ng pagsusuot ng face shield upang magkaroon ng karagdagang proteksyon kontra COVID-19.

Imahe mula sa PNA

Ito ay matapos na makatanggap ng pagtutol mula sa ilang netizens ang bagong panuntunan ukol sa pagsusuot ng face shield sa oras na lumabas ng kanilang tahanan. Bago ito ay iniuutos lamang ang pagsusuot ng face shield tuwing sasakay sa pampublikong sasakyan at papasok sa enclosed spaces.

Paliwanag ni DOH Spokesperson Maria Rosario Vergeire, inirekomenda rin ng mga eksperto ang paggamit ng face shield upang makasiguradong hindi mahahawa ng COVID-19 lalo na ngayong sasapit ang Pasko at Bagong Taon.

“Sixty-six percent kapag face shield lang, 66 percent kapag face mask lang. So napag-usapan naman ng mga eksperto ngayon na kailangang ‘pag gumamit ka ng protective measures, kailangan sila ay magkasama para ma-reach natin ‘yong more than 90 percent from the virus,” pahayag niya.

Imahe mula sa PNA

Paalala ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kailangang mabigyan ng proteksyon ang buong mukha sa gagamiting face shield. “It’s an additional protection to avoid a surge. It won’t be required if it is not good for our health,” ani Roque.

“It’s not an issue of cost anymore. I doubt meron pang taong walang face shield.”

Una nang nakiusap ang DOH na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan ang mga Pilipino sa paparating na Pasko at mag-reunion na lang sa pamamagitan ng online platforms.

“We can still have a meaningful Christmas even if we stay at home and reconnect with our friends ang families online,” sabi ni Health Secretary Francisco Duque.

“The virus is very much around and is still among us, and no one can be sure who the virus carrier is. Don’t bring home the virus. Please stay at home for a merrier and healthier Christmas.”

 

Source :

PNA, CNN, Rappler

Loading…