Pagsusuot ng face shield obligado na kapag nasa labas ng bahay

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Required na ang pagsusuot ng face shield, bukod pa sa face mask, sa lahat ng pampublikong lugar
  • Kailangang buong mukha ang natatakpan ng face shield
  • Hindi papapasukin sa mga establisimyento ang may suot na face shield na kalahati lang ng mukha ang natatakpan

Inoobliga na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang publiko ang palagiang pagsusuot ng face mask at face shield kapag nasa labas ng tahanan upang pabagalin ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa ngayong holiday season.

Imahe mula sa OneNews

Matatandaang ang naunang direktiba ng IATF ay sa loob lang ng mga establisimyento nire-require ang pagsusuot ng face shield.

“It’s an additional protection para maiwasan ang surge. Lahat naman po ‘to hindi ire-require kung hindi po makakabuti sa ating kalusugan. Whether it be for the holiday or for longer period of time, meron na tayong face shield, gamitin na lang for added protection,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa press briefing isang araw matapos ang pagpupulong na isinagawa ng IATF.

Binigyang-diin ni Roque na ang tamang face shield na dapat gamitin ay iyong natatakpan ang buong mukha. Hindi raw maaari ang nauuso ngayon na kalahati lang ng mukha ang natatakpan.

Imahe mula sa Shopee

Ibinahagi ni Roque sa press briefing ang screenshot ng Section 8 (General Provisions) ng Resolution No. 88 ng IATF na ganito ang isinasaad:

“All persons are mandated to wear full-coverage face shields, together with face masks, earloop masks, indigenous, reusable, or do-it-yourself masks or other facial protective equipment which can effectively lessen the transmission of COVID-19, whenever they go out of their residences, pursuant to existing guidelines issued by the national government…”

Gumamit pa si Roque ng isang modelo upang maipakita sa madla ang tamang face shield na dapat suotin.

Screenshot mula sa RTVM video
Source :

Inquirer, MSN

Loading…