
- Dinepensahan ng celebrity cop na si Neil Perez ang buong pwersa ng PNP
- Hindi nagustuhan ng mga netizens ang post niya sa social media
- Sinabi ng mga netizens na hindi ito ang panahon upang ipagtanggol ang PNP
Hindi nagustuhan ng mga social media users ang ginawang pagdepensa ng celebrity cop na si Neil Perez – Police Staff Sergeant Mariano Perez Flormata, Jr sa tunay na buhay – sa Philippine National Police (PNP) kaugnay ng insidente sa Tarlac na gumimbal sa buong bansa.

Isang art card na may silhoutte image ng isang pulis na diretsong nakatindig ang ibinahagi ni Neil Perez sa Facebook.
“Hindi kaming lahat ang pum**ay sa kanya – Unipome at tsapa,” ang nakasulat sa art card na inalmahan ng mga netizens.
Malinaw naman ang mensaheng nais iparating ng police-model-actor sa marami niyang social media followers. Gusto niyang ipabatid na hindi lahat ng mga pulis ay masasama.
Napakainsensitibo raw ng post niya, ayon sa ilang nagkomento. Sana raw, sa halip na ipagtanggol ang buong pwersa ng PNP ay kinondena niya ang ginawa ng kabarong si Senior Master Sergeant Jonel Nuezca.
Narito ang ilan sa mga komento sa post niya:

“Haist. Sana matulungan mo sila maituwid kesa po ang pagtatanggol sa kanila. Hindi po ito ang tamang oras para ipagtanggol ang iyong kasamahan. Tulungan po natin makamit ng mga biktima ang hustisya.”
“Nakakaloka. Playing victim ang PNP.”
“The least you can do is apologize.”
“Problem lang dito is parang feel nila naaapi sila and unrecognized ‘yung good deeds that other police do. We acknowledge those naman.”
Sinundan pa ni Neil Perez ang nauna niyang post na tinuligsa rin ng mga netizens.
“Nauubos din pala ang Pacencia,” post niya na minasama rin ng mga nakabasa.

Ipinakahulugan ito ng ilan na jina-justify niya ang aksyon ni Nuezca.
“Pasensya sa? Hindi naman po sila ‘yung kalaban. Instead of condemning the bad cop’s actions, jina-justify n’yo pa po.”
“Insensitive naman post mo, sir.”