PAL may alok na libreng RT-PCR test para sa mga OFWs galing Middle East

Imahe mula sa Facebook - PAL
  • Nag-alok ng libreng swab testing ang PAL para sa mga OFWs na uuwi galing Middle East
  • Ito ay magsisimula sa Disyebre 22 hanggang Enero 1 sa susunod na taon
  • Mayroon ding kaparehong alok ang PAL para naman sa mga sea-based na manggagawang Pinoy

May pamaskong handog na libreng RT-PCR testing ang Philippine Airlines (PAL) para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na uuwi ng ‘Pinas galing sa Middle East.

Ito ay bukas para sa lahat ng manggagawang Pinoy (land-based lamang) na manggagaling sa Dubai (UAE), Doha (Qatar) , Dammam (KSA), Riyadh (KSA), o Bahrain at magsisimula sa Disyembre 22 na tatagal hanggang Enero1 ng susunod na taon.

Imahe mula sa Facebook – PAL

Inanunsiyo ito ng flag-carrier ng bansa sa kanilang Facebook page nitong Martes, Disyembre 15.

“Here’s something special this season for Land-based Overseas Filipino Workers (OFWs) and travelling dependents: You can avail of FREE RT-PCR Testing upon arrival in Manila from Dubai, Doha, Dammam, Riyadh, or Bahrain on December 22, 2020 to January 01, 2021 (Departing December 21-31, 2020) under the PAL One-Stop-Shop in NAIA Terminal 2,” ayon sa PAL.

Bukod dito, tinitiyak din ng PAL na makukuha ng magpapa-test na OFWs ang kanilang resulta sa loob ng24 oras.

“Plus, with our guaranteed release of test results within 24 hours, you can come home and be with your loved ones in time for the holidays,” dagdag na pahayag ng airline.

Imahe mula sa Facebook – PAL

Para sa gustong mag-avail, maaari lamang magtungo sa kanilang portal upang magparehistro at magbigay ng mga impormasyon. Maaari ring dalawin ang kanilang website para sa guidelines at quarantine procedures para sa mga uuwing OFWs.

Kaugnay nito, ang sinumang magpositibo umano ay i-endorse ng PAL sa Philippine Bureau of Quarantine para sa karagdagang medical management.

Samantala, para naman sa mga sea-based na manggagawa, mayroon ding kaparehong alok ang PAL subalit isasagawa ito ng hiwalay na laboratory testing provider.

Loading…