Palasyo muling kinalampag ang mga telcos hinggil sa pagsasaayos ng serbisyo

Imahe mula sa Gadgest Now
  • Pinaalalahanang muli ng Palasyo ang mga telcos tungkol sa pagsasaayos ng kanilang serbisyo
  • Ayon kay Roque, wala siyang nakikitang improvement sa koneksiyon ng mga telcos
  • Dati nang binalaan ni Duterte ang mga telcos na ipasasara niya ang mga ito kapag hindi inayos ang kanilang serbisyo hanggang Disyembre

Muling pinaalalahanan ng Malakanyang ang mga telecommunication companies (telcos) tungkol sa mga naging pangako ng mga ito na aayusin ang kanilang serbisyo bago dumating ang Disyembre.

Sa kaniyang press conference nitong Martes, hinimok ni Presidential Spokesperson ang PDLT at Globe na magbigay ng update tungkol sa pagtatayo ng karagdagang cell sites sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Imahe mula sa NOW Corp

Ito ay matapos atasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensiya ng gobyerno na mas pabilisin pa at ‘wag nang pahirapan ang proseso para sa pagkuha ng permit sa pagtayo ng mga cell towers ng telcos.

“Ano naman po ang isusukli ninyo matapos kayong pagbigyan ng Presidente doon sa hinihiling ninyo na mas mapabilis iyong pag-approval ng mga telecom towers? Tingin ko naman siguro dahil nakuha na nila iyong mga approval, it’s a matter of installing the telecoms towers,” ani Roque.

Ayon pa kay Roque, maging siya ay personal na nararanasan ang hirap sa pagtawag gamit ang linya ng kaniyang service provider kaya ang ginagamit niya ngayon ay yaong tinatawag na voice-over- internet protocol (VOIP) gaya ng WhatsApp o Viber.

Imahe mula sa Globe/PNA

“So sa tingin ko po wala pa ring malaking improvement—para nga pong wala pang improvement,” ayon sa tagapagsalita ng Malakanyang.

Dahil dito, nais ng Palasyo na magbigay ng commitment ang mga telcos na nabanggit. Bukod dito, nais din niya umanong imbitahan ang mga naturang kumpanya upang makita ang listahan ng mga bagong towers na kanilang naitayo.

Screenshot mula sa RTVM SONA video

“I really want them to commit kung kailan sila magkakaroon nang mas mabuting serbisyo,” wika ni Roque. “Baka naman hindi tore talaga ang problema dahil hanggang ngayon po, parang hindi nag-improve.”

Sa kaniyang state-of-the-nation address (SONA) noong Hulyo, binalaan ng Pangulo ang PLDT at Globe na ipapasara niya ang mga ito, o kaya ay i-expropriate sa gobyerno, kapag hindi naayos ang kanilang serbisyon hanggang nitong Disyembre.

Loading…