Pamasko ng isang ninang para sa kaniyang mga inaanak na may iba’t ibang “halaga” at challenge kinaaliwan

  • May kakaibang challenge ang isang ninang sa kaniyang inaanak
  • May katumbas na “pamasko” kapag maisasakatuparan ito, bagay na kinaaliwan ng mga netizens
  • Ang pinakanakatutuwa rito ay ang pamasko para sa inaanak na makapagdadala ng ninong para sa ninang

Hindi na siguro mawawala sa tradisyon ng pagdiriwang ng Paskong Pinoy ang pagbibigay ng aginaldo ng mga ninong at ninang sa kanilang mga inaanak. Mapa-pera man iyan o nakabalot na bagay, kinakailangan itong pasalamatan dahil ang mahalaga naman ay taos-puso ang pagbibigay nito.

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizens ang Facebook post ng isang nagngangalang “Chona Marasigan” kung saan makikita ang iba’t ibang “challenge” niya sa mga inaanak, na may iba’t ibang katumbas na halaga.

Imahe mula sa Facebook post ni Chona Marasigan

Para sa kaniyang lehitimong inaanak, may nakalaan siyang isandaang piso. Para naman sa inaanak na makapagpapatunay na ninang talaga siya dahil kasama niya sa picture sa binyag, bibigyan niya ito ng isanlibong piso.

Para naman daw sa inaanak na may dalang ninong para sa single na ninang, may nakalaang US 200 dolyar.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Wow… sana all may dolyar para sa kanilang inaanak hahaha. May pagka-desperada ang dating pero nakakaaliw actually hahaha,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Naku, baka mismong ninong pa ang lumapit sa ninang hahaha.”

“Magandang ideya ‘to, kahit hindi inaanak basta kung sino makakapagdala… hahaha. Hindi naman ako desperado talaga pero ako na lang sana yung ninong na idadala para kay ninang,” wika naman ng isa.

Bagama’t katuwaan lamang ito, may paalala naman ang ibang mga netizens na hindi dapat ginagawang “ATM” ang mga ninong at ninang. Hindi sila palabigasan ko tagabigay ng regalo tuwing Pasko. May mas malaki pa silang tungkuling dapat gampanan sa kanilang mga inaanak: ang maging pangalawang magulang sa kanila.

Ang tunay na role ng mga ninong at ninang, hindi tagabigay ng regalo sa inaanak, ayon sa isang netizen

“Kinuha ko kayong ninong/ninang hindi para gawing ATM tuwing Kapaskuhan. Kinuha ko kayong ninong/ninang kasi alam kong may maituturo kayong tama sa anak ko, sa mga pagkakataong makakausap at makakasama niya kayo. Kinuha ko kayo para maging gabay niya. Para maging pangalawang magulang.”

Ikaw, kaya mo bang gawin ang challenge na ito?

Source :

Facebook, DF News

Loading…