Pamilya sa Agusan Del Sur gumamit ng surfing board sa paglusong sa baha

  • Muli na namang naipakita ng mga Pilipino ang “resiliency”
  • Isang pamilya sa Agusan Del Sur ang gumamit ng surfing board upang lumusong sa labis na pagbaha dahil sa bagyong Vicky
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Bago magtapos ang 2020 ay humirit pa ang pagsubok sa bansa, matapos hagupitin naman ng bagyong Vicky ang katimugang bahagi ng Pilipinas, ilang araw bago ang pagdiriwang ng Pasko.

Isa sa mga naapektuhan ng mga pagbaha ang lalawigan ng Agusan Del Sur, kagaya rin ng nangyari sa Cagayan at iba pang naapektuhan ng bagyong Rolly at Ulysses. Isang pamilya sa naturang lalawigan ang nagpakita ng resiliency matapos nilang gumamit ng surfing board upang hindi lumusong sa mataas na pagbaha.

Makikita ito sa Facebook post ng netizen na si “Ryan Ladera Luig.”

Imahe mula sa Facebook page ni Ray Knoor Luig

“We are Pinoy! We are resilient!!! Bisan ni sulod sa kwarto ang tubig!” saad sa caption.  Makikita sa mga kalakip na larawan na nakukuha pang makangiti ng mga Pinoy na gumamit ng surfing board, na tila ba nasa mga alon ng karagatan.

Kahit na sinasabing “gasgas” na o overused na ang resiliency ng mga Pilipino kapag nakararanas ng mga kalamidad, ipinagdiinan naman ng mga netizens na ito ay isa sa mga magagandang katangian ng mga Pilipino na hindi dapat mawala.

“Ganyan kaming mga taga-Mindanao, mga palaban! Kahit anong hamon ng buhay may ngiti pa rin sa mukha!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Best way to enjoy the catastrophe. Looking at the brighter side of life despite the gloom. We are Pinoys, we are flexible!”

“Makikita mo talaga sa mga Pilipino na kahit anong unos ang dumating, nagagawan pa rin ng paraan para sumaya,” pahayag naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Keep safe everyone! Malalagpasan din natin lahat ng suliranin basta tulong-tulong tayo. Kami dito sa Cagayan Valley ay medyo nakakabangon na sa baha. Kasama po kayo sa aming dasal tulad ng ginawa ninyo sa amin. Maligayang Pasko po sa ating lahat!”

Imahe mula sa Facebook page ni Ray Knoor Luig

Nitong Biyernes, Disyembre 19, ay tuluyan na ngang hinagupit ni Vicky ang Agusan Del Sur, at dalawa sa mga naapektuhan ng labis na pagbaha ay ang munisipalidad ng Rosario at San Francisco.

Loading…