Pamilya Sy pasok sa Top 10 Richest Family sa Asya

  • Inilabas ng Bloomberg ang listahan ng Richest Families sa buong Asya
  • Karamihan sa mga pamilyang ito ay mula sa India, Thailand, at Hong Kong
  • Pasok naman sa listahan ang pamilya Sy mula sa Pilipinas

Kasama ang pamilya Sy sa sampung pinakamayayamang pamilya sa buong Asya, ayon sa listahan na inilabas ng Bloomberg, kung pagbabatayan ang kanilang net worth sa US dollars.

Nangunguna sa listahan ang pamilya Ambani mula sa bansang India na may US$ 76 billion. Sila ay nagmamay-ari ng Reliance Industries. Sinimulan itong itayo ng patriyarka ng pamilya na si Dhirubhai Ambani noong 1957.  started building the precursor to Reliance Industries in 1957.

Public Domain Image

Pangalawa naman ang pamilya Kwok ng Hongkong na may kabuuang US$ 33 billion net worth. Ang kanilang kompanya ay tinatawag na Sun Hung Kai Properties na itinayo ni Kwok Tak-seng noong 1972, na piakamalaking real estate developers sa naturang bansa.

Pangatlo naman ang pamilya Chearavanont sa bansang Thailand na nagmamay-ari naman ng Charoen Pokphand Group, kompanya na nakapokus sa pagkain, retail at telecom units. May net worth sila na US$ 31. 7 billion.

Pang-apat naman ang pamilya Hartono mula sa bansang Indonesia na may kabuuang net worth na US$ 31.3 billion, na nagpapatakbo ng pinakamalaking cigarette maker sa Indonesia na Djarum, at sila rin ang nagmamay-ari ng Bank Central Asia.

Panlima naman ang pamilya Lee ng South Korea na may net worth na US$ 26. 6 billion, na kilalang may-ari ng Samsung, ang kilalang brand ng memory chips, smartphones, gadgets at appliances sa tinatangkilik sa iba’t ibang panig ng mundo. Nagsimula ang Samsung bilang isang trading company na nag-eexport ng mga prutas, gulay at isda noong 1938. Pinasok nila ang electronics business noong 1969, at ‘ika nga, “the rest is history.”

Public Domain Image

Ang pang-anim ay nagmula na naman sa bansang Thailand. Sila ay ang pamilya Yoovidhya na may net worth na US$ 24. 2 billion. Sila ang nagmamay-ari ng TCP Group na kilala sa produktong “Red Bull.” Naging kasosyo niya ang Austrian marketer na si Dietrich Mateschitz na naging dahilan upang maibenta ang Red Bull globally.

Mula ulit sa Hong Kong ang pampitong pinakamayamang pamilya, at sila ay ang Cheng. Sila ang nagmamay-ari ng Chow Tai Fook, na kilala sa paggawa at pagtitinda ng mga alahas. Sila rin ang nagmamay-ari ng New World Development, isang real estate at infrastructure company. Bukod dito, mayroon din silang hotel at resort. Ang net worth nila ay umabot sa US$ 22. 6 billion.

Nasa India naman ang pangwalo sa listahan. Ito ay ang pamilya Mistry na nagmamay-ari ng Shapoorji Pallonji Group na kilala sa engineering at construction industry. May net worth sila na US$ 22 billion.

Pansiyam naman ang Pao/Woo mula ulit sa Hong Kong. Pagmamay-ari nila ang BW Group at Wheelock na nakilala sa shipping business at real state. May net worth sila na US$ 20. 2 billion.

Public Domain Image

Ang pansampu naman ay walang iba kundi ang pamilya Sy na nagmamay-ari ng SM Investments sa Pilipinas. May net worth sila na US$ 19. 7 billion. Itinatag ang kompanya ni Henry Sy na siyang nagpasikat ng Shoe Mart na naglaon ay naging SM Supermalls, hanggang sa nagsanga-sanga na ito sa iba’t ibang uri ng negosyo gaya ng banking, retail, at property.

Loading…