Panelo dumepensa sa pagkanta sa restaurant; health protocols hindi raw nalabag

Screenshot mula sa Twitter video
  • Isang video ang kumalat sa social media na nagpapakitang kumakanta sa isang restaurant si Sec. Salvador Panelo
  • Dumepensa naman si Sec. Panelo at sinabing walang health protocols na nalabag
  • Giit ng mga netizens na nakapanood ng video, nilabag ni Sec. Panelo ang karaoke ban na ipinatutupad ng IATF

Dinepensahan ni Presidential chiel legal counselor Salvador Panelo ang sarili mula sa mga kritiko na pumuna sa kanya dahil sa diumano ay paglabag sa mga health protocols nang makita siya sa kumalat na video habang kumakanta sa isang restaurant sa Makati City.

Screenshot mula sa Twitter video

Sabi ni Secretary Panelo, ang mga guests sa naturang kainan ay nakasuot naman daw ng kanilang face mask maliban na lang sa isa o dalawa na kumakain. Nasunod naman umano ang social distancing kaya’t walang panganib ng COVID-19 transmission.

Sinabi rin niya na negatibo ang resulta ng swab test niya isang araw bago naganap ang insidente.

“All the guests, except one or two eating, were wearing their face masks. There was also a one-meter distance between the guests, even more with respect to the distance between tables. So, there was no risk of transmission plus I just had a negative swab test result the day before because we had a Cabinet meeting,” paliwanag niya.

Makikita sa video na mayroon siyang katabi at kaharap sa table habang kumakanta. Makikita rin na may suot siyang face shield habang umaawit.

Screenshot mula sa Twitter video

Giit ng mga netizens na nakapanood ng video, lumabag si Sec. Panelo sa karaoke ban na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease.

Ayon sa nag-post ng video, ang pagkanta ng chief legal counsel ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nangyari sa Bloom Café and Bar na isang garden restaurant sa Greenbelt.

Samantala, sinabi ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na hindi na kailangang imbestigahan si Panelo.

Imahe mula sa PNA

“There is no need for investigation. This is an isolated incident and Sec. Panelo has already submitted his explanation. This is not the usual karaoke event but a one-time request from some diners for him to sing. The incident happened in an outdoor dining restaurant and protocols are still observed,” sabi ni Sec. Año.

Magkagayunpaman, sinabi ni Año na pinaalalahanan na si Panelo na sumunod sa minimum health standards lalo na’t isa siyang mataas na opisyal ng bansa.

 

Source :

Tribune, Inquirer

Loading…