Pang-showbiz na, pang-sports pa: Andre Paras nag-apply sa PBA Rookie Draft 2021

Imahe mula sa Facebook account ni Andre Paras
  • Nag-apply si Andre Paras sa PBA Rookie Draft 2021
  • Si PBA Commissioner Willie Marcial ang nagkumpirma na personal na nagtungo sa PBA office sa Libis, Quezon City si Andre kasama ang amang si Benjie Paras
  • Ang deadline ng draft application ay sa January 27 at ang drafting ay gaganapin sa March 14, 2021

Nag-submit na ang aktor na si Andre Paras ng application niya para sa Philippine Basketball Association (PBA) Draft 2021 sa tanggapan ng liga sa Bagumbayan, Libis, Quezon City noong Lunes, December 21.

Imahe mula sa Facebook account ni Andre Paras

Si PBA Commissioner mismo ang nagbahagi sa isang panayam na personal na nag-apply ang aktor sa PBA rookie draft kasama ang ama nitong si Benjie Paras, na alam ng marami na dating PBA superstar bago pumasok sa larangan ng showbiz.

“Kanina kausap ko si Andre Paras, kasama si Benjie Paras. So, nag-apply si Andre kanina,” sabi ni commissioner Marcial.

Unang napasabak sa basketball ang 6 foot 5 na si Andre sa University of the Philippines Fighting Maroons sa Season 76 ng University Athletic Association of the Philippines taong 2013. Pagkatapos ng isang season ay lumipat siya sa San Beda.

Ngunit hindi siya napasama sa roster ng San Beda Red Lions para sa Season 91 ng National Collegiate Association of the Philippines kaya lumipat naman siya sa AMA Online Education sa 2019 PBA D-League Foundation Cup kung saan naglaro siya mula 2017 hanggang 2019.

Imahe mula sa Facebook account ni Andre Paras

Noong 2017, kabilang siya sa pool ng Chooks-to-Go Pilipinas ni coach Chot Reyes na lumaban sa FIBA Asia Champions Cup.

“I think he’s a player. He has been rebounding well, but he was to work on the other parts of his game, most especially sa kanyang outside shooting since he is an undersized big,” sabi ni coach Chot Reyes tungkol kay Andre Paras.

Imahe mula sa PBA Images

Ang deadline ng submission ng applications para sa PBA Rookie Draft ay sa January 27 at ang drafting ay gaganapin sa March 14, 2021.

Inaabangan na ng mga showbiz fans ni Andre kung aling PBA team ang pipili sa kanya.

Bilang aktor, nakilala si Andre sa papel niya bilang si Chad Jimenez sa “Diary ng Panget” – ang pelikulang nagpasikat kay Nadine Lustre at James Reid.

 

Source :

Tie Breaker, TV5

Loading…