Pangalan ng magiging inaanak ni Macoy Dubs kinaaliwan

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang kakaibang pangalan ng magiging inaanak ni Macoy Dubs
  • Ito ay “Anna Pandemica Joy”
  • Mangyayari daw ang binyagan sa Marso 2021 sa Antipolo

Mahalaga ang pagbibigay ng pangalan sa isang tao dahil ito ang unag-unang pagkakakilanlan sa kaniya. Kaya naman, ang ibang mga magulang ay nag-iisip ng mga kakaiba at unique na pangalan para sa kanilang mga anak, upang mangibabaw ito sa lahat.

Minsan, nagiging salik o factor sa pagbibigay ng pangalan sa mga anak ang kasalukuyang penomenon o kaganapan sa isang panahon, kagaya ng pandemya. Kaya naman, ibinahagi ng kilalang social media influencer-tv host na si Mark Averilla a.k.a. Macoy Dubs ang naisip na pangalan ng kaniyang kababata para sa anak nito. Kinukuha raw kasi siyang ninong nito. Makikita ito sa kaniyang mga social media platforms, gaya ng Facebook at Twitter.

Imahe mula sa Twitter account ni Macoy Dubs

“Yung kababata ko nag-PM sa akin gusto ako kuning Ninong. Siyempre as a curious latik, tinanong ko ang detalye. Di ko kinaya. Bless you inaanak,” saad niya sa kaniyang Twitter post.

Batay sa ibinahagi niyang screenshot ng kanilang kumbersasyon sa FB Messenger, ang ipapangalan daw nito sa magiging inaanak ni Macoy ay “Anna Pandemica Joy.” Magaganap daw ang binyagan sa ikatlong araw ng Marso, na gaganapin naman sa Antipolo.

Mapapansin na ang “Pandemica” ay maaaring halaw sa pandemya o pandemic sa Ingles. Maaari daw na maging palayaw nito ang “Mica.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Pang-Miss Universe naman ang name! Paano kapag 18 years old na siya? Ganito ang sasabihin niya 18 years later, Hi my name is Pandemica and I’m ready to infect you with my beauty! Pak! Ganern!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Bet ko yung Pandemica na name. Hahahahaha. May tumalo na sa Antartica. Lakas-maka-villain!”

Public Domain Image

“Nakakatakot yung name, parang bagay sa Darna hahaha, yung babaeng nagdadala ng sakit sa lahat,” pahayag naman ng isa.

Nagbigay pa si Macoy Dubs ng iba’t ibang pangalan gaya ng “Coronabeth Jane,” “Lockdownina Aguilera Bonina,” “Vaccinia Rose,”Althea Pandemica Chromatica,” at “Covina Pandemina.”

Ikaw, may naiisip ka bang kakaibang pangalan na remembrance ng pandemya?

Source :

Facebook, Twitter

Loading…