Pasahero mula sa UK nagpositibo sa COVID-19, inaaalam kung new strain iyon

Imahe mula sa PNA
  • Isang pasahero mula sa UK ang nagpositibo sa COVID-19
  • Inaalam pa ng mga health experts kung ang new COVID-19 strain ang dumapo sa pasahero
  • Sinabi ni DOH Sec. Duque na ang mga eksperto sa Philippine Genome Center ay gumagawa na ng pagsusuri upang alamin kung iyon ang bagong mutation ng COVID-19

Isa sa pitumpu’t siyam na pasahero mula sa United Kingdom (UK) na nakapasok sa bansa sa pagitan ng December 22 at December 25 ang nagpositibo sa COVID-19.

Screenshot mula sa PTV News video

Nilinaw ni Department of Health Secretary Francisco Duque, III na hindi pa tiyak kung ang dala ng pasahero ay ang new variant ng COVID-19.

“Umabot na po sa 79 na pasahero mula United Kingdom ang dumating sa bansa — 72 sa NAIA at 7 ang dumating via Clark. Base sa report kahapon, 59 na ang mayroon test results kung saan 53 ang negative. Ngunit may isa pong nagpositibo sa COVID at inaantabayanan natin ang 23 na natitirang resulta,” pahayag ng kalihim.

“’Yung testing po na ito hindi po nangangahulugan na ito na po ang new variant dahil magsasagawa pa po ng pagsusuri ang ating mga eksperto mula sa Philippine Genome Center,” aniya.

Ang bagong strain ng novel coronavirus, na kailan lang lumitaw, ay may 50% hanggang 70% transmission rate, na nangangahulugan na mas nakahahawa ito, subalit nilinaw ng mga medical experts na hindi ibig sabihin nito na ito ay mas virulent o may mas malalang epekto.

Imahe mula sa The Conversation

Nagpatupad na ang pamahalaan ng suspensyon ng flight mula at patungo sa UK na nagsimula noong 12:01 a.m. ng December 24 at magtatagal ito ng hanggang December 31, ngunit ang mga pasaherong nasa biyahe na at dumating sa bansa bago pa ipinatupad ang suspensyon ay papayagang makapasok, pero kailangan nilang sumailalim sa 14-day quarantine sa New Clark City sa Pampanga.

Imahe mula sa provincial government of Pampanga

 

Source :

ABS-CBN, Inquirer

Loading…