Pet dog game na nagpa-selfie kasama ang amo

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang isang larawan
  • Makikita rito ang selfie ng isang pet lover kasama ang kaniyang pet dog
  • Game na game naman ang pet dog na si Tagpi sa selfie kasama ang amo

Sinasabing ang “man’s bestfriend” ay ang alaga nating mga pet dogs, na tila hindi na mawawala sa bawat tahanan ng mga Pilipino. Bawat isang pamilya yata sa isang pamayanan ay may alaga nito na matiyagang pinakakain, pinaliliguan, inaalagaan, at minamahal na parang isang tunay na kapamilya.

Kaya naman, nagdulot ng katuwaan sa mga netizens ang kuhang larawan ng isang pet lover na nagngangalang Lilian Daza kasama ang niyang pet dog na si Tagpi. Nag-selfie kasi si Lilian, at kitang-kitang “selfie ready” si Tagpi at tila sanay na sanay na humarap at mag-pose sa camera.

Imahe mula sa Facebook account ni Lilian Daza / Prince Salcedi

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. Marami sa kanila ang nagbahagi rin ng selfie naman ng kani-kanilang mga pet dogs.

“Ang cute! Parang sanay na sanay na siyang humarap sa camera. Saka alagang-alaga siguro. Ang wish ko lang, sana hindi masyadong mahigpit ang pagkakatali niya, lalo na sa collar. Pero as you can see parang masaya naman si Tagpi eh,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Ganiyan din ang dog namin na sina Chuchay at Simba! Kapag nakita na nila na may hawak kaming cellphone, kakawag-kawag na ang mga buntot nila. Nakakawala ng stress ang pag-aalaga ng mga aso, sa totoo lang. Mas loyal pa sila sa mga dyowa eh hahaha.”

“It’s a true blessing kapag may alagang dogs, and isama na rin natin ang cats. Nakaka-uplift ng kaluluwa. Sabi nga, kapag marunong kang mag-alaga ng hayop, marunong ka ring mag-alaga ng magiging anak mo. So sa mga single ladies and gentlemen diyan, it’s a plus kapag may pets ang mga makakasama ninyo sa buhay,” wika ng isa.

Public Domain Image

Ang pag-aalaga sa mga hayop, partikular sa mga pet dog at cats, ay nangangailangan ng ibayong pagtitiyaga at pagmamahal. Kapag maganda ang pag-aalaga sa kanila, makikita iyon sa kanilang hitsura.

Source :

Facebook, News 5

Loading…