Pfizer posibleng magtayo ng sariling COVID vaccine storage sa bansa – DOH

Imahe mula sa Bloomberg
  • Posibleng magtayo ng sariling cold storage facility ang Pfizer para sa kanilang bakuna
  • Ito ay dahil hindi angkop ang kasalukuyang pasilidad ng bansa sa temperature requirement ng vaccine ng Pfizer
  • Posible umanong magsimula ang inoculation ng mga mamamayan Marso o Abril sa susunod na taon

Maaaring magtayo ng sariling cold storage facilities para sa kanilang COVID-19 vaccine ang Pfizer dahil hindi compatible ang temperature na kailangan ng kanilang bakuna sa kasalukuyang pasilidad ng bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, ang bakuna ng Pfizer ay nangangailangan ng storage temperature na -70 hanggang -80 degrees Centigrade at wala pa umanong ganitong facility sa Pilipinas.

Imahe mula sa The Star

Dahil dito, handa naman umano ang Pfizer na magtayo ng sarili nilang storage facilty kung kinakailangan.

“(According to) Secretary Carlito Galvez, our vaccine czar, Pfizer might be willing to actually provide the very sophisticated cold storage to ensure the effectiveness and safety of the vaccine,” ani Duque sa panayam ng ABS-CBN News nitong Lunes.

Kaugnay nito, ibinahagi rin ng kalihim na posible nang magsimulang bakunahan ang mga Pilipino Marso o Abril sa susunod na taon. Ito raw ang ‘best case scenario’ na kanilang nakikita, ayon kay Duque.

“We’ve done some scenario analysis under the leadership of Sec. Galvez and I think the best case scenario would be about the end of the first quarter of 2021 or about the start of second quarter of next year,” paliwanag ng opisyal.

Screenshot mula sa PCOO video

Pinag-iisipan na rin umano ng gobyerno na gumawa ng iba’t-ibang bakuna tulad ng Sinovac, Gamaleya, AstraZeneca, Sinopharm, at Johnson & Johnson, at saka pa lamang magsisimulang ipamahagi ang COVID vaccine para sa mga 60 o 70 milyong Pilipino.

Layon ng pamahalaan na mabakunahan ang 50 hanggang 60 porsiyento ng populasyon ng bansa upang maabot ang tinatawag na ‘herd immunity’.

Tinanggap rin ni Duque ang hamon na isa siya sa mauunang magpapabakuna oras na available ang ang gamot kontra coronavirus.

Loading…