Pilot-testing ng face-to-face classes kanselado na dahil sa new COVID-19 strain

Imahe mula sa Manila PIO
  • Kinansela ni Pangulong Duterte ang pilot-testing ng face-to-face classes
  • Ang kanselasyon ay kaugnay sa banta ng bagong COVID-19 strain na unang nakita sa UK
  • Nagbabala ang Pangulo na posibleng magpatupad muli ng mahigpit na lockdown kapag nakapasok at kumalat sa bansa ang new COVID-19 strain

Kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakatakdang pilot-testing ng face-to-face classes dahil sa mga pangamba sa bagong mutation ng COVID-19 na unang nakita sa United Kingdom (UK).

Screenshot mula sa YT video

Ang new COVID-19 strain ay pinaniniwalaang mas mabilis makahawa. Bukod sa UK, ilang bansa na rin ang mayroon nito tulad ng Ireland, Japan, Germany, Singapore at Malaysia.

Inanunsyo ni Pangulong Duterte ang kanselasyon sa pakikipagpulong niya sa mga health experts at sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases noong Sabado, ika-26 ng Disyembre.

Nakatakda sanang ipatupad ang limitadong face-to-face classes sa susunod na taon mula ika-11 hanggang ika-23 ng Enero bilang bahagi ng pagluluwag sa quarantine restrictions matapos ang siyam na buwang lockdown sa buong bansa.

Sa Lunes, December 28, ay isasapubliko na sana ang listahan ng mga paaralan na lalahok sa pilot-testing ng limited face-to-face classes.

Imahe mula sa UNTV

“I have allowed the face-to-face classes as pilot projects all over the country. I’m calling back the order and I will not allow face-to-face classes of children until we are through with this. We have to, I said, we have to know the nature of the germ that we are confronting. Wala pa tayong alam. I cannot take the risk of allowing the children,” anang Pangulo.

“That would be a disaster actually. So we have to be mindful of that: I am canceling the order I gave a few days ago – a few weeks ago – to Secretary Briones of the Education Department to suspend everything, all activities of children, especially ‘yung face-to-face classes,” sabi pa niya.

Imahe mula sa The Conversation

Kaugnay ng bagong strain ng COVID-19, nagbabala ang Pangulo na posibleng ibalik ang mahigpit na lockdown kapag ito ay nakapasok at kumalat sa Pilipinas.

Source :

ABS-CBN, Inquirer

Loading…