Isa sa pinakamahal na kahoy sa buong mundo na “agarwood” nakumpiska sa Pasay

  • Maituturing na isa sa mga pinakamahal at pinaka-rare na puno sa buong mundo ang agarwood o lapnisan
  • Ipinagbabawal ang pamumutol o pagbebenta nito sa Pilipinas
  • Matatagpuan ang mga ito sa gitna ng mga kagubatan sa Visayas at Mindanao dito sa Pilipinas

Nasabat ng Bureau of Customs ang isang warehouse sa Pasay City na nagtatago ng 28-kilo ng agarwoods o lapnisan na nagkakahalagang 2.4 milyong piso noong Huwebes, Disyembre 3, 2020.

Makikita sa social media platforms ng Bureau of Customs ang kanilang ulat hinggil sa kanilang pagkumpiska sa agarwoods o lapnisan, na itinuturing na isa sa mga pinakamahal at “rarest” na puno sa buong mundo, kaya ipinagbabawal ang pagbebenta o basta-bastang pamumutol ng puno nito.

Imahe mula sa Facebook page ng Bureau of Customs

“Agarwood is classified under the Appendix 2 of the Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Flora and Fauna (CITES). According to the Department of Environment and Natural Resources (DENR), Agarwood is a resin valued for its distinctive fragrance,” ayon sa Facebook post ng Customs.

“It is formed when the host tree becomes infected with a mold called Phialophoraparasitica. The mold infection makes the tree produce a dark aromatic resin called aloes or aga in its heartwood. The fragrant resin is used to make incense, perfume and medicinal products particularly in the Middle East and Asia.”

Ayon sa DENR, maituturing na ilegal ang pagbebenta ng agarwood o lapnisan sa Pilipinas. Matatagpuan ang mga ito sa gitna ng mga kagubatan sa Visayas at Mindanao. Ang isang kilo ng agarwood fetches ay nagkakahalagang 750,000 piso.  Ibinebenta ito sa mahal na presyo dahil sa kakaiba nitong amoy.

“Documents showed that the packages were misdeclared as ‘face masks and clothes’, ‘shoes and hand bags’, and ‘leather jackets, face masks, man pants.’ All three packages were shipped by a resident from Davao to the United Arab Emirates (UAE).”

Imahe mula sa Facebook page ng Bureau of Customs

“Upon x-ray inspection, the packages yielded different images compared to what were declared by the sender. Consequently, these were subjected to 100% physical examination.”

Bagama’t hindi tinukoy ng Customs kung sino ang nagpadala nito at sino ang dapat sana’y tatanggap sa UAE, kakasuhan ang nagpadala ng paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act, at Republic Act 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act. Ang mga nakumpiskang agarwood ay nasa pangangalaga na ng DENR.

Loading…