Pinakamalaking McDonald’s branch sa bansa binuksan na sa Pampanga

Imahe mula sa Megaworld Corporation-Facebook
  • Binuksan na sa San Fernando, Pampanga ang pinakamalaking branch ng McDo sa ‘Pinas
  • Mayroon itong mahigit 1,100 square meters na floor area at nakatayo sa 2,000 square meters na lote
  • Inaasahang makatutulong ang pagbubukas ng branch sa mga residenteng nawalan ng trabaho dahil sa pandemya

Binuksan kamakailan sa Pampanga ang pinakamalaking branch ng McDonald’s sa bansa na matatagpuan sa loob ng 35.6 ektaryang Capital Town na pag-aari ng Megaworld Corporation.

Ito rin ang pang-16 na store ng sikat na fastfood chain sa ilalim ng Megaworld.

Imahe mula sa Megaworld Corporation-Facebook

Nitong Lunes, ibinahagi sa Facebook page ng Megaworld Corporation ang mga larawang kuha sa loob at labas ng nasabing McDonald’s branch na may dalawang palapag at mayroong mahigit 1,100 square meters na floor area.

Mayroon din itong mas modernong McCafe, no-touch drive-thru facility, alfresco dining, self-ordering kiosks, meeting room, at dedicated party area.

Ito ay nakatayo sa mahigit 2,000 square meters na lote malapit sa provincial capitol ng Pampanga sa lungsod ng San Fernando kaya malawak ang parking area.

“Our vision for Capital Town is to be a must-visit tourist destination for Pampanga, and what better way to begin bringing that promise to reality than by opening the country’s biggest McDonald’s here at Capital Town. We want Filipinos to come and visit San Fernando, and we want the people of the city to be proud that we are bringing no less than the biggest attractions here in our township,” ani ni Eugene Em Lozano, first vice president for sales and marketing ng Megaworld Pampanga sa isang pahayag.

Imahe mula sa Megaworld Corporation-Facebook

Ang mga customers ay may option na gamitin ang cashless payments habang prayoridad din ng store ang kaligtasan ang bawat isa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng basic health protocol tulad ng temperature checks, hand sanitation, footwear disinfection,  pagsusuot ng facemask, at pagfill-up ng contact tracing form.

Ito ay bukas 24 oras at tumatanggap din ng delivery.

Umaasa naman ang Megaworld na makatutulong ang pagbubukas ng nasabing branch sa mga taga-Pampanga dahil sa trabahong naibigay nito sa mga residenteng naapektuhan ng pandemya.

Imahe mula sa Megaworld Corporation-Facebook

Loading…