Pinay nurse gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang nagturok ng COVID vaccine sa UK

Imahe mula sa Facebook/ Jacob King
  • Isang Filipina nurse ang nagturok ng kauna-unahang COVID vaccine sa UK
  • Isang 90 anyos na citizen naman ang tumanggap ng kauna-unahnag bakuna doon
  • Pinuri ng UK envoy sa ‘Pinas ang naging kontribusyon ng Filipina nurse

Gumawa ng kasaysayan ang isang Filipina sa United Kingdom bilang nurse na nagturok ng kauna-unahang bakuna kontra COVID-19 sa nabanggit na bansa.

Nitong Martes, Disyembre 8, tinurukan COVID vaccine ni Nurse May Parsons ang 90 anyos na si Margaret Keenan na siya ring kaun-unahang citizen ng UK na binakuhan.

Si Parsons ay isang nurse sa National Health Service (NHS) at mahigit 24 taon nang nagtatrabaho doon.

Imahe mula sa Facebook-Muk Libero

“It’s a huge honor to be the first person in the country to deliver a COVID-19 jab to a patient. I’m just glad that I’m able to play a part in this historic day,” ani Parsons sa pahayag na inilabas ng NHS.

“The last few months have been tough for all of us working in the NHS, but now it feels like there is light at the end of the tunnel,” wika pa ni Parsons na isang Filipino immigrant.

Si Parsons mismo ang nagdeliver ng bakuna kay Keenan sa isang ospital sa Coventry kaya malaki ang pasasalamat ng huli sa Pinay.

Screenshot mula sa Twitter

“My advice to anyone offered the vaccine is to take it – if I can have it at 90, then you can have it too,” ani Keenan.

Kaugnay nito, pinuri din ni UK Ambassador to the Philippines Daniel Pruce si Parsons at lahat ng Filipina nurses dahil sa naging kontribusyon ng mga ito sa NHS.

“A fantastic moment! And great to see that the vaccine is administered by Nurse May Parsons from the Philippines – one of the many thousands of Filipino healthcare workers making such an enormous contribution to the #NHS,” ayon sa tweet ng envoy nitong Martes.

Inaprubahan na ng bansang UK ang paggamit ng bakuna mula sa Pfizer/BioNTech matapos itong makakuha ng 40 million doses ng gamot na sinasabing may 94 percent efficacy laban sa coronavirus.

Loading…