PNP chief Debold Sinas nakapagbawas na ng 20 kgs dahil sa ‘strict diet and exercise’

Police Gen. Debold Sinas| Imahe mula sa PNP Facebook
  • Nabawasan umano ng halos 20 kilos ang timbang ni PNP chief Debold Sinas
  • Dahil daw ito sa istriktong diet at exercise na kaniyang sinusunod sa loob ng apat na buwan
  • Ipinag-utos kamakailan ng PNP chief na ibalik ang BMI monitoring program sa kapulisan

Ibinahagi ni PNP chief Gen. Debold Sinas na nabawasan ang kaniyang timbang ng halos 20 kilos matapos umano ang istriktong diet at exercise.

Sa panayam ni Karen Davila kay Sinas sa programang Headstart ng ANC, sinabi ng PNP chief na nais niya sanang maging face-to-face ang interview para naman maipakita niya ang pagbabago sa kaniyang katawan.

Screenshot mula sa Headstart video

“That’s almost 4 months program. Of course, nag-umpisa ako I consulted the doctor. I have my medical check-up at ginuide po ako kung papaano. Strict diet and healthy living, bawas muna inom, kung uminom man konti lang, tapos sleep well,” kuwento ni Sinas.

Plano niya rin umanong ituloy ang weight reduction program sa PNP lalo na sa mga kapwa niya pulis na mayroon ding health issues.

“Sabi ko ituloy ang weight reduction program namin, fitness program namin in observance of the DOH protocol. Kasi ‘di naman puwede mag-diet nang walang doctor’s advice kasi mamaya baka ano pang mangyari sa iyo,” anang PNP chief.

Noong isang linggo ay ipinag-utos in Sinas na ibalik ang strict monitoring program ng BMI (body mass index) sa lahat ng kapulisan upang matulungan ang mga obese sa kanilang hanay na maging healthy muli.

Gen. Sinas| Imahe mula sa PNA

Napansin niya raw kasi nitong huling siyam na buwan sa kasagsagan ng pandemya ay kaunti na lang sa mga pulis ang nag-e-exercise at naging ‘stagnant’ na ang karamihan.

Maging siya mismo raw ay mayroong sinusunod na ‘strict diet regimen’ at exercise.

“For the last 3 months, I strictly followed my diet regimen and exercise. Kung kinaya ko at the age of 55, I don’t think ‘yung mga younger sa akin, hindi nila kakayanin,” ayon sa PNP chief.

Loading…