Pops Fernandez itinanggi ang romance rumor kay Derek Ramsay: “Hindi po totoo”

Image by Derek Ramsey via IG | Image by Pops Fernandez via Instagram
  • Pops Fernandez, itinanggi ang tsismis na may relasyon sila ni Derek Ramsay
  • Pops: “Hindi po siya totoo. How it started, hindi ko rin po alam”
  • Nalulungkot daw siyang marami ang kagyat na naniniwala sa mga bagay nang hindi bineberipika ang impormasyon

“Hindi po siya totoo.”

Itinanggi ng pamosong mang-aawit na si Pops Fernandez ang tsismis na mayroon umano silang romantic relationship ni Derek Ramsay. Matatandaang kahihiwalay lamang ng aktor sa dating karelasyong si Andrea Torres nitong nakaraang buwan.

Image by Pops Fernandez via Instagram

“It’s okay to ask about it because it’s absolutely not true. I just don’t wanna talk about it because I felt Derek and Andrea are not really talking about it,” aniya.

Saad pa nito, “Ang weird naman na ako ‘yung magsasalita right? Anyway, hindi po siya totoo. How it started, hindi ko rin po alam.”

Nag-ugat ang tsismis makaraang batiin ni Pops ang nanay ni Derek na si Remedios sa kaarawan ng huli. Binigyang malisya ng netizens ang comment niyang, “Happy bday mommy” na may kasamang smiling face with smiling eyes emoji.

Nagulat umano si Pops sa pangyayari. Ang kanyang mga kaibigan, kahit ‘yung mga nakatira sa ibang bansa ay nag-uusisa rin.

Wika pa nito, “Ang dali pa lang maniwala ng mga tao ngayon. I mean once it’s posted on YouTube, sunod-sunod na. No one really bothered to find out the truth about it. So hindi po totoo. ‘Yun po wala akong masabi na iba about it because I also don’t know how it started.”

Image by Derek Ramsay via IG

Samantala, magkakaroon ng musical show na “eXes & whYs” sina Martin Nievera at Pops na maipalalabas sa Colours ng Cignal TV.

Aniya, nais niyang ma-guest sa kanilang programa si Derek. “Sana pumayag si Derek Ramsey para matapos na ang tsismis sa amin para siya naman ang makapag-explain kung ano ba ‘yan.”

Image by Pops Fernandez via Instagram

Loading…