Power Cebuana Diva Jessica Villarubin, wagi sa ‘The Clash’ season 3

Image by The Clash via Facebook
  • Jessica Villarubin, itinanghal na grand winner ng The Clash season 3
  • Winning piece ni Jessica ang “Habang May Buhay”
  • Makatatanggap ang grand winner ng exclusive management contract sa GMA, brand new car, P1-million in cash at house and lot

Nanaig sa ikatlong season ng pamosong singing competition ng GMA Network na The Clash ang tubong Cebu na si Jessica Villarubin. Ito’y makaraan niyang talunin si Jennie Gabriel ng Makati sa final One-on-One Clash na naganap nitong Linggo.

Image by The Clash via Facebook

Kinanta ni Jessica, na kilala rin bilang “Power Cebuana Diva”, ang Habang May Buhay samantalang ang finale piece ng runner-up na si Jennie, kilala bilang “Belter Babe ng Makati”, ang All by Myself.

Bilang kampeon, makatatanggap ang Cebuana ng exclusive management contract sa Kapuso channel, brand new car, P1-million in cash, at house and lot mula sa Lessandra.

Dahil sa kanyang pagkawagi, sinundan ni Jessica ang yapak ng mga former grand champions ng The Clash na sina Golden Canedo at Jeremiah Tiangco.

Nauna rito ay nagtunggali muna ang Top 5 Clashers kung saan kasama rin sina Renz Roboso ng Pangasinan, Fritzie Magpoc ng Las Pinas, at Sheemee Buenaobra ng Caloocan. Makaraan ang bakbakan ng Top 5 Clashers ay pumili ang mga judges ng dalawa na siyang magtutunggali para sa final One-on-One Clash.

Sina Jessica, Renz, Fritzie at Sheemee ay pare-parehong nakatanggap ng tig-P100,000.00 na siyang premyo sa mga finalists.

Image by The Clash via Facebook

Nagsilbing mga hurado sa grand finals sina Comedy Concert Queen AiAi Delas Alas, OG Concert Queen Pops Fernandez (pinalitan si Lani Misalucha) at Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista.

Host ng programa sina Rayver Cruz, Julie Ann San Jose, Ken Chan at Rita Daniela.

Matagumpay na naisagawa ang ikatlong season ng singing competition sa gitna ng pandemya. Naganap ang audition thru online, ang kompetisyon ay naganap sa studio nang walang audience at nasunod din ang guidelines sa health protocols.

Panoorin ang winning piece ni Jessica, video upload mula GMA Singers sa YouTube:

Source :

GMA News, PEP, YouTube

Loading…