Premonisyon ng psychic na si Jay Costura na bolang nag-aapoy sa kalangitan, nagkatotoo?

Screenshot mula sa NHK video
  • Bolang nag-aapoy sa kalangitan namataan sa Japan
  • Nagliwanag ang kalangitan dahil sa meteor
  • Maraming Pinoy netizens ang naniniwala na ito ang premonisyong isiniwalat ng psychic na si Jay Costura kamakailan lang

Noong nakaraang linggo ay naitampok ang psychic na si Jay Costura sa sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) kung saan nabanggit niya ang isa sa kanyang premonisyon bago matapos ang taong 2020 – ang isang bolang nag-aapoy sa kalangitan na hindi direktang tatama sa lupa.

Screenshot mula sa GMA video

Marami sa mga nakapanood ng nasabing KMJS episode ang naniniwala na nagkatotoo ang premonisyong iyon ng sikat na psychic; ito ay matapos mamataan sa bansang Japan ang isang tila bolang nag-aapoy na bumagsak mula sa kalangitan.

Ayon sa mga nakasaksi, nagliwanag ang kalangitan dahil sa bumabagsak na meteor.

“We believe the last burst of light was as bright as the full moon,” sabi ni Takeshi Inoue; director ng Akashi Municipal Planetarium.

“People across wide areas of Japan were treated to a spectacular light show in the early hours of Sunday, thanks to what is believed to be a meteor,” ayon naman sa NHK news agency.

Ang social media platform na Twitter ay tila “nagliyab” din dahil sa dami ng mga netizens na nagkomento sa nasaksihang liwanag sa kalangitan.

Screenshot mula sa NHK video

Wika ng isang Twitter user, naramdaman daw niya ang kapangyarihan ng universe.

Aniya, “The sky went bright for a moment and I felt strange because it couldn’t be lightning. Felt the power of the universe!”

Narito naman ang ilan sa mga Pinoy netizens na nagkomento hinggil sa prediksyon ni Jay Costura.

“’Yan ‘yung vison mo Ms. Jay.”

“’Yan po yata ‘yung sinabi n’ya na may babagsak mula sa langit pero ‘di tatama ng direkta sa lupa.”

“Sinabi mo po ito sa KMJS momsie. Sana wag na mauulit kung walang mganda na maidudulot sa Mundo po. Pray always.” 

“Sinabi mo ‘to sis,”  sabi ng isa pang netizen na sinagot ni Jay Costura ng “opo.”

Screenshot ng Facebook post ni Jay Costura

 

Loading…