Prenuptial pictorial ng magkasintahan mistulang “Adan at Eba” ang tema

  • Pinag-usapan ng mga netizens ang prenuptial pictorial ng engaged couple sa Davao Oriental
  • “Adan at Eba” kasi ang kanilang tema
  • Tanging mga dahon ng saging at gabi ang tumatakip sa kanilang katawan

Karaniwan na sa mga engagement o prenuptial pictorial ang iba’t ibang tema, batay na rin sa mapagkakasunduan ng magkasintahang nagbabalak nang lumagay sa tahimik at bumuo ng sariling pamilya. Kadalasan, may kinalaman sa kasaysayan ng kanilang pagkakakilala ang nagiging tema nito.

Subalit pinag-usapan ng mga netizens ang kakaibang engagement pictorial ng magkasintahang sina Joyce Umbajeno at Aguinaldo Tan, Jr. mula sa Upper Tibanban, Gov. Generoso, Davao Oriental matapos nilang magmistulang Adan at Eba, na makikita sa Facebook page ng “Asterisc Photography” na kumuha sa kanila.

Imahe mula sa Facebook page na Asterisc Photography

Ayon sa photographer na si Edward Namare, hindi raw ganito ang balak nila. Biglaan lamang umano ang konsptong ito. Aniya, “Na-push lang namin dahil umuulan that time and we had no choice but to continue pa rin ang shoot.” Ang videographer naman ay nagngangalang Vince Manalo kung saan makikita rin sa kaniyang Facebook page ang prenup video naman ng dalawa.

Sabi naman ng mismong bride-to-be na si Joyce, “”Sobrang happy namin habang ginagawa ‘yung shoot. Tawa kami nang tawa. Walang hesitation na gawin namin ‘yon.”

Makikita sa mga larawan na tanging mga dahon ng saging at gabi lamang ang tumatakip sa maseselang bahagi ng kanilang katawan. Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. Ang iba, naihambing naman sila sa mitong “Si Malakas at si Maganda.”

“This is the kind of passion in photography. Nice preset sir. People will just noticed the model but not the shots itself. Kudos sa work!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “I don’t know why so many have reacted it’s funny but I’m seeing a genuine love this couple has. To the couple, please ignore those who’ve noticed the photos more maliciously rather than the art and the idea you both choose.”

Imahe mula sa Facebook page na Asterisc Photography

“Congratulations! Oh ‘di ba puwede pala maging matipid ang pre-nuptial photoshoots. Dahon lang and your natural skin. Hindi kailangan mala-Cinderella at Prince Charming na attire. Basta enjoy at good vibes lang,” wika naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “They look like they are going to burst out laughing any minute! Funny, precious, and strangely adorable.”

Naging magkasintahan ang dalawa noong 2018 pero nagkahiwalay dahil nag-aral ng criminology si Tan sa Davao City habang nagtuturo naman sa Davao Oriental si Umbajeno. Dahil umano sa pandemya, nagkabalikan sila at nag-propose ng kasal. Nakatakda ang kasalan ng dalawa sa Enero 8, 2021.

Loading…