Presyo ng mga bilihin tataas sa pagbabalik ng truck ban sa Metro Manila – Truck owners group

Screenshot mula sa PTV News video
  • Nagbabala ang grupo ng mga truck owners na magreresulta sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang pagbabalik ng truck ban sa Metro Manila
  • Sa Lunes, December 14, ang simula ng truck ban kung saan 24 oras nang bawal sa EDSA ang mga truck at tuwing rush hour sa ibang pangunahing lansangan
  • Sinabi ng DTI na walang koneksyon ang truck ban sa presyo ng mga billihin

Nagbabala ang grupo ng mga truck owners na posibleng magkaroon ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa pagbabalik ng truck ban sa Metro Manila.

Screenshot mula sa PTV News video

Ayon sa Alliance of Concerned Truck Owners and Organization, magreresulta sa pagmahal ng mga bilihin ang truck ban na ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula sa Lunes, ika-14 ng Disyembre.

Ang truck ban na sinuspinde sa kasagsagan ng pandemya upang mapabilis ang galaw ng mga produkto ay muling ibabalik dahil sa grabeng trapik sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila kasabay ng pagluluwag sa mga quarantine rules na layuning muling pasiglahin ang ekonomiya ng bansa.

Ikinatwiran ng grupo ng truck owners na hindi lang naman sila ang sanhi ng mabigat na daloy ng trapiko kundi maging ang napakaraming private cars sa mga lansangan dahil suspendido ang Unified Vehicular Volume Reduction Program o number coding.

Kinontra naman ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pahayag ng grupo hinggil sa posibleng pagtaas ng presyo ng mga bilihin kung ibabalik ang truck ban.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Sinabi ni DTI undersecretary Ruth Castelo, walang koneksyon ang pagbabalik ng truck ban sa presyo ng bilihin. Aniya, ibabalik lang naman ang dating sistema ng mga truck noong bago magkaroon ng pandemya.

Bente kwatro oras nang bawal ang mga trucks sa EDSA at tuwing rush hour – 6:00am-10:00 am sa umaga at 6:00 pm-10:00 pm sa gabi – sa mga pangunahing kalsada.

Screenshot mula sa ABS-CBN video
Source :

ABS-CBN, YouTube

Loading…