Promo na 50% discount ng Petron nagdulot ng traffic; Petron humingi ng paumanhin

Imahe mula sa Panay News
  • Nagdulot ng matinding traffic ang promo ng Petron nitong Martes
  • Nagreklamo ang ilang kustomer dahil sa kawalan umano ng sistema
  • Humingi na ng paumanhin ang kumpanya dahil sa dulot na build-up ng sasakyan sa ilang lugar

Nagdulot ng matinding traffic sa ilang lugar sa Kamaynilaan at maging sa ibang bahagi ng bansa ang promo ng Petron na nag-aalok ng 50% discount nitong Martes, Disyembre 22.

Noong Lunes ay inanunsiyo ng Petron na magbibigay ito ng 50 porsiyentong diskuwento sa kanilang petroleum products bilang pamasko sa mga motorista.

Imahe mula sa ABS-CBN News/Mark Demayo

Kailangan lamang bumili ang kustomer ng isang litro ng gasolina o diesel para ma-avail ang discount. Ang promo ay magtatagal lamang ng 11 am hanggang 1 pm nitong Martes.

Dahil dito, nagdagsaan ang mga motorista sa iba’t-ibang gas station ng Petron sa Kamaynilaan, dahilan para magsikip ang daloy ng trapiko sa lugar.

Ayon sa ilang netizens, ang iba umano ay maaga pang pumila para lamang ma-avail ang promo.

“I have been a loyal Petron fuel patron for 15 yrs. Kanina I went there 10:30am, the traffic was immense. I chance upon to talk to some motorist who told me that they were there since 8am. some were there since 6am,” ayon sa komento ng isang netizen sa Facebook page ng Petron.

Cagayan de Oro| Imahe mula sa CDODev.Com

Dismayado naman ang ilang kustomer dahil ang iba umanong nakasabay nila ay drum pa ang bitbit.

“Dapat bawal ang drum, ang haba ng pila tapos mauubusan dahil drum drum na pinapa full tank, maglabas naman kayo ng guidelines sa mga ganyang promo,” ayon naman sa isa pa.

Bagama’t marami pa rin ang nagpasalamat, sana daw ay magkaroon ng sistema sa mga susunod na ganitong promo.

Kaugnay nito, humingi na ng paumanhin ang Petron dahil sa matinding trapik na ibinunga ng kanilang aktibidad.

Imahe mulas Facebook-Petron

“We recognize that this activity has caused inconvenience due to heavy traffic,” ayon sa pahayag ng kumpanya. “We sincerely apologize and have taken note of all your feedbacks and suggestions.”

Nagpasalamat din ang Petron sa mga enforcers ng MMDA, LGU at barangay officials na tumulong sa kanila para maayos ang daloy ng mga sasakyan.

Loading…