Proposed design para sa bagong NAIA Terminal 1, Banaue rice terraces ang naging inspirasyon

Imahe mula sa Megawide
  • Hango sa Banaue rice terraces ang proposed design sa planong rehabilitasyon ng NAIA Terminal 1
  • Sinabi ng Megawide Construction Corporation na hindi lang nila basta ire-rehabilitate ang airport terminal, kundi gagawa sila ng bagong simbolo para sa bansa
  • Sa kasamaang-palad, posibleng hindi na matutuloy ang planong ito dahil ni-revoke ng MIAA ang “Original Proponent Status” ng kumpanya

Isinapubliko ng Megawide Construction Corporation ang detalye ng planong rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 (NAIA Terminal 1). Ang tanyag na Banaue rice terraces ang ginamit na inspirasyon ng kumpanya para sa disenyo ng paliparan.

Imahe mula sa Megawide

“We’re not just rehabilitating an airport, we’re creating a new symbol for the country,” saad ni Louie Ferrer, ang Megawide executive director for Infrastructure Development.

Nakilala ang Megawide sa magandang transpormasyon na ginawa nito sa Mactan-Cebu International Airport, ang 2nd largest airport ng Pilipinas, kung saan nakakuha ng ilang parangal ang kumpanya dahil sa disenyo ng naturang airport.

Ang central landscape ng NAIA Terminal 1 ay tatawaging “Hagdan,” isang sunken garden na kahalintulad ng rice terraces ang magiging itsura.

Ang mala-hagdang disenyo ay magpapatuloy sa upper level ng nakaplanong parking at commercial building na itatayo sa harapan ng terminal 1 building na idinisenyo ng National Artist na si Leandro Locsin.

Magsisilbing dedicated area para sa mga well-wishers at mga pasaherong naghihintay ng kanilang flight ang sunken garden at ang bagong gusali.

Imahe mula sa Megawide

“Most areas for well-wishers in airports are highly perfunctory. Our intent is to create a dedicated, enjoyable space where people can relax while waiting for connecting flights or arriving passengers, and where departing passengers can spend more time with their loved ones,” sabi ni Ferrer.

Plano ring magtayo ng elevated railway ang Megawide na magkokonekta sa tatlong terminal ng NAIA.

Sa kasamaang-palad, maaaring hindi na matuloy ang magagandang plano ng Megawide para sa NAIA terminal rehabilitation dahil binawi ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang “Original Proponent Status” (OPS) na nauna nang ipinagkaloob sa kumpanya.

Imahe mula sa Megawide

Isang liham na may petsang December 15, 2020 ang ipinadala ng MIAA sa Megawide na nagsasaad tungkol sa revocation ng OPS.

Sinabi ni Ferrer na iaapela nila ang desisyon ng MIAA.

Loading…