Pulis na nagrorosaryo kinalugdan

  • Isang pulis ang naispatang nagdarasal ng Santo Rosaryo habang nasa pampublikong sasakyan
  • Kinalugdan naman ito ng mga netizens kasabay ang panawagang huwag lahatin ang mga pulis
  • May mga pulis pa rin umano na mabubuti at ginagampanan nang maayos ang kanilang sinumpaang tungkulin

Sa iba’t ibang mga pangyayaring kinasasangkutan ng mga pulis na tila negatibo, marami pa rin ang mabubuti at nasa tamang landas ng kanilang pagseserbisyo-publiko.

Itinampok sa isang Facebook page na “Kuya CFD” ang larawan ng isang pulis na makikitang may hawak na rosaryo habang nakasakay sa isang pampublikong sasakyan at nagdarasal. Ayon sa Facebook post, patungo siya sa kaniyang trabaho.

Imahe mula sa Facebook page na Kuya CFD

“Isang pulis ang nakuhanan ng litrato na nagdadasal ng Santo Rosaryo habang tinatahak ang kanyang daan patungong trabaho. Hindi ko siya pag-iisipan nang masama, sapagkat naniniwala ako na may mga pulis at sundalo pa ring handang sumaklolo, matino, at may takot sa Diyos,” saad sa caption ng post.

Dagdag pa, “Kay gandang pagmasdan kung Diyos muna ang nasa isip bago ang propesyon, lalo na’t ang awtoridad nilang magtanggol ay nagmula sa Diyos bago sa gobyerno. For God’s will be done.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

“Tama naman. Huwag nating i-generalize lahat. Sa kamatis, hindi lahat ay bulok. Iyan po ang dapat tularan ng ibang mga kapulisan. May mga pulis pa ring mababait at tapat sa kanilang tungkulin bilang mga alagad ng batas. God bless po sa lahat ng mga pulis na kagaya nila! #Salute!” sabi ng isa.

Wika naman ng isa, “Real men pray the Holy Rosary. Salamat sa Diyos!”

“God bless po. Naniniwala pa rin ako na may mabubuti pa ring mga sundalo at pulis. Huwag natin silang lahatin. Unfair po iyon sa mga pulis na ginagawa naman nila nang maayos ang kanilang sinumpaang tungkulin na to serve and protect,” turan naman ng isa.

Public Domain Image

Samantala, hindi naman natukoy ang pagkakakilanlan ng naturang pulis, bagama’t kung susuriin ang larawan ay tila ito isang babae.

Source :

Facebook

Loading…